When is our perfect moment? Maganda at tamang pakinggan ang “perfect moment.” Lahat tayo naghihintay sa “perfect time.” Perfect time para pasukin ang isang commitment; para magpakasal; para magkaroon ng anak, atpb. Nguni’t aminin natin sa ating sarili, na napakahirap hintayin ang perfect moment. Kadalasan, hanggang “near perfect” na lamang ang ating nakakamtan.
Nasa kamay ng kinabukasan ang paghihintay ng perfect moment.
Tweet
At tulad ng maraming mga bagay na hindi pa nangyayari, walang sigurado sa hinaharap. Kahit ano pa man ang gawin natin upang paghandaan ito, laging may sabit kapag dumating na ang araw na pinaghandaan.
Mas madalas ang paghihintay ng “perfect time” ay nakakapinsala.
Tweet
Ayon kay Jon Kabat-Zinn, “the perfect moment is this one.” The perfect moment is now; this present moment. When we let go of the now, we cannot expect a perfect future.
Sa mga naghihintay ng perfect partner in life, kadalasan walang dumarating na perfect; may dumadating, pero the one for us is usually not perfect, but the right one who “works things out” with us.
Tweet
Minsan, dahil sa paghahanap ng perfect, ang para sa iyo, kasama mo na. Hindi mo nga lang nakikita dahil sa iba ka tumitingin. Gasgas na ang paghahanap ng compatible partner, baka mas magandang usisain ang character: ang taong hindi perfect, ngunit matapat, mapagmahal, maunawain, matiyaga. At totoong kaibigan.
Manalangin tayo: O Diyos, ikaw lamang ang perfect, nawa tulungan mo kaming makita ang para sa amin, at nanmamin ang ngayon. Amen.
