Sa panahon ng Middle Ages, milyong-milyong tao ang namatay sa tinatawag nilang, “The Black Death” o The Plague. Sabi ng maraming dalubhasa, itong sakit na ito ay nanggaling sa Gitnang Asya hanggang nakarating ito sa Europa. Dahil dito, ipininta nila ang sakuna bilang isang kalansay. Kaya makikita natin sa maraming larawan si Kamatayan bilang isang kalansay ng tao.
Isang araw, nakita ng isang monghe si Kamatayan. “Saan ka pupunta?” tanong ng monghe. “Sa bayan kung saan ka din pupunta. Papatayin ko ang higit na limang-daang tao,” wika ni Kamatayan, sabay ang isang nakakatindig-balahibong halakhak. Nang dumating ang monghe sa bayan, hindi limang-daan ang namatay, kundi limampung-libong tao!
Pagkalipas ng ilang araw, nakasalubong ng monghe si Kamatayan. “Sabi mo, limang daan tao lang ang iyong papatayin, ngunit sinunggaling ka! Limampung-libong tao ang iyong pinaslang!” sigaw ng monghe. “Kaibigan,” wika ni Kamatayan, “limang-libo ang pinatay ko, ngunit ang karamihan? – sa takot namatay!
Ipagdasal natin na hindi tayo matakot sa kung ano mang bubunuin natin sa buhay; ngunit panatilihin ang sigla sa Dios upang malampasan ang kahit ano mang nagbabanta kitilin ang ating kaligayahan.