Lent: Re-choosing Our Commitment to God

Naranasan niyo na ba ang pagkakalat? Yung panahon na hindi mo na alam kung ano ang pinatutunguhan ng iyong mga ginagawa. Yung sabi ng karamihan, parang kang robot na naka-program na lamang ang ginagawa araw-araw. Habang tumatagal, nawawala na rin tayo sa ating tunay na sarili. Kailangan natin balikan ang tunay nating landas sa buhay. Continue reading “Lent: Re-choosing Our Commitment to God”

Rate this:

May Lugar Para sa Iyo

Maaaring nagbibigay-buhay o nakakawala ng gana sa buhay ang anumang alaala. Nakakawalang-buhay kung hindi natin nalalampasan ang sakit; nakakabigay-buhay kung nagkakaroon ng lunas ang ating mga sugat. Upang sariwain natin ang ating mga alaala, dinadaan natin ito sa iba’t ibang ritwal. May mga pumupunta sa lugar ng una nilang pagkikita; meron namang kumakain ng paboritoContinue reading “May Lugar Para sa Iyo”

Rate this:

May Mata Ka Bang Nakakakita sa Diyos Kahit Saan Ka Man?

Tinanong ng kanyang nanay ang kanyang anak na nakatutok sa kanyang ginuguhit. “Anak, ano ang dino-drawing mo?” Sagot ng anak, “Mama, dino-drawing ko po ang Diyos.” “Walang nakakita pa sa Diyos, anak!” sagot ng nanay. “Hintay na lang po kayo, Nanay. Pagkatapos nito, makikita ng karamihan ang Diyos!” Hindi nagtagal, lumapit ang bata sa nanayContinue reading “May Mata Ka Bang Nakakakita sa Diyos Kahit Saan Ka Man?”

Rate this:

Ang Apoy Ay Wala sa Impyerno

Laging sinusulat ni San Ignacio de Loyola sa kanyang mga liham para sa mga Heswitang misyonero ang ganito, “Ite Inflammate omnia” – ibig sabihin, “Go, set the world on fire!” “Pag-alabin mo ang puso ng mga tao sa pagmamahal sa Dios at kapwa!” Upang maunawaan natin ang “fire” kailangan natin makita ang lamig. Sabi niContinue reading “Ang Apoy Ay Wala sa Impyerno”

Rate this:

Tulungan ang Bohol

  Marami sa atin ang nalungkot sa mga pangyayari sa Bohol, Cebu at Siquijor dahil sa 7.2 magnitude na lindol na sumira sa maraming lumang simbahan. Alam niyo po ba na karamihan sa mga gumuhong simbahan ay gawa po ng mga sinaunang mga Heswita? Ang sinaunang kapilya na naging malaking simbahan ng Baclayon ay itinayoContinue reading “Tulungan ang Bohol”

Rate this:

Ang Simpleng Ritwal ang Humuhubog sa Atin

Ano ba ang ginagawa mo sa pagdating o pag-alis mo ng bahay? Kinaugalian nating mga Pinoy (at ng mga Hispanics) ang humalik o magmano. Tulad ng aking pamilya, ugali rin naming magpaalam kay Kristo sa pamamagitan ng paghawak at mag-antanda ng krus sa larawan ng Sacred Heart of Jesus. Sa simpleng ritwal, nararamdaman natin angContinue reading “Ang Simpleng Ritwal ang Humuhubog sa Atin”

Rate this:

Paggunita sa mga Yumao

Dadalawin mo ba ang iyong mga kapamilya’t kaibigang yumao na sa mga darating na araw? Kahit hindi ka makakapunta, mabuting malaman ang dahilan kung bakit naglalaan tayo ng araw para gunitain sila. Unang-una, dumadalaw tayo sa mga yumao, dahil hindi sila nawala o naglaho. Ang isang yumao, ayon sa sumasampalataya sa Diyos, ay pumunta lamangContinue reading “Paggunita sa mga Yumao”

Rate this:

Why do we pray the rosary?

  Ano ba ang tamang pagdarasal, yaong spontaneous o ang pagdarasal na paulit-ulit na kinagawian hindi lamang ng mga Katoliko kundi ng mga Muslim at Buddhist? Sa araw na ito ginugunita natin ang pagrorosaryo, ang paguulit ng Aba Ginoong Maria, na nakikita sa Ebanghelio ni San Lukas, Ama Namin na turo ni Hesus, ang LuwalhatiContinue reading “Why do we pray the rosary?”

Rate this:

Ang Simpleng Pamumuhay

Nakakalat sa buong mundo ngayon ang larawan ng ating bagong Santo Papa. Pinaguusapan din ang kaniyang mga ginagawang kakaiba sa ating pagkilala sa mga nakaraang lider ng isang bilyong Katoliko. Pinagpapasahan sa social media ang mga kuwento ng kanyang pagiging simple: ang pagsakay sa bus upang makasama ang madla, ang hindi paninirahan sa Palasyo ngContinue reading “Ang Simpleng Pamumuhay”

Rate this:

Paano Napili ang Asno sa Pasko

Pauna: Upang maging makahulugan ang ating Pasko, binabahagi ko itong kuwento. Maligayang Pasko po sa inyong lahat. Habang patungo daw sa Bethlehem si Jose at Maria, nagkaroon ng meeting ang mga anghel kung sinong mga hayop ang dapat mag-alaga sa Banal na Pamilya pagdating sa sabsaban. Natural, nagalok ang leon, sabi, “Para sa hari, isaContinue reading “Paano Napili ang Asno sa Pasko”

Rate this:

Ang Tubig sa Lawa

Gulong-gulo ba ang isipan mo? Nalilito ka na ba at tila hindi ka mapakali? May kuwento ako ukol kay Buddha at ang kanyang alagad. Napadaan daw si Buddha sa isang lawa. At dahil mahaba ang kanilang nilakbay, hapong-hapo ito. Kaya sabi ni Buddha sa kanyang alagad, “Kunan mo ako ng tubig sa lawa. Uhaw naContinue reading “Ang Tubig sa Lawa”

Rate this:

Part I: Characteristics of Jesuit Education

  On the 400th anniversary of the Jesuit document on education, the Ratio Studiorum, the International Commission on the Apostolate of Jesuit Education (ICAJE) published The Characteristics of Jesuit Education. I am publishing a simple outline of the 28 characteristics for all who are interested to know what makes an educational institution Jesuit in character.Continue reading “Part I: Characteristics of Jesuit Education”

Rate this:

Walang Namamatay sa Dilim

“We do not die from the darkness; we die from the cold.” – Miguel de Unamuno Takot ka ba sa dilim? Bakit ka natatakot? Sinasagisag ng dilim ang maraming bagay. Maaaring nakaraan: mga karanasang ayaw na nating balikan o gunitain. Maaari din itong panghinaharap: hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Kaya lagingContinue reading “Walang Namamatay sa Dilim”

Rate this:

Anong Pangarap ang Nakikita Mo?

Meron akong proposal sa inyong lahat. Madalas nating ginagamit ang salamin. Kung napanood ninyo ang unang pelikula ng Harry Potter, may isang salamin na tinatawag nilang The Mirror of Erised. Kung babaliktarin ninyo ang Erised, magiging desire. Nung tinitingnan ni Harry Potter ang salamin, nakikita niya ang kanyang yumaong mga magulang. Gagamitin natin ngayon angContinue reading “Anong Pangarap ang Nakikita Mo?”

Rate this: