Mabuting Magbakasyon sa Ating Sariling Bayan

*Ito po ang dinaanan ng baha galing Mayon Volcano. Matatagpuan ito sa Barrio Quirangay, ilang minutong lakad lamang galing Camalig, Albay. Taga-Camalig po ako. Kumusta po ang iyong pagbabakasyon? Marahil marami sa inyo ang nakauwi sa inyong mga sariling bayan. May kuwento ako. Bored na bored na sa kanyang buhay si Mang Pedring. Para saContinue reading “Mabuting Magbakasyon sa Ating Sariling Bayan”

Rate this:

Pahalagahan ang mga Maliliit na Ritwal sa Buhay

    Anong mga kinauugalian sa inyong bahay ang nakatutulong sa pagkakalapit ng bawat miyembro ng pamilya? Sa aking pamilya naaalala kong itinuro ng aking mga magulang ang paghalik sa kanila o sa kanilang kamay tuwing aalis at darating.   Para sa akin, hindi lamang ito isang pagpapakita ng paggalang kundi ito ay isang pagbabasbas;Continue reading “Pahalagahan ang mga Maliliit na Ritwal sa Buhay”

Rate this:

Ang Sukatan ng Tagumpay ay nasa Lalim ng Naratnan

Happy Easter po sa inyong lahat! Ngayon po ipinagdiriwang natin ang tagumpay ni Kristo sa kamatayan! Ano nga ba ang tagumpay? Nasusukat ba ito sa taas ng iyong pinag-aralan, o sa posisyon na iyong hinahawakan? Sino ba ang matagumpay: ang isang mayor na nangungurakot o ang isang janitor na may malasakit? Sa mata ng mundo,Continue reading “Ang Sukatan ng Tagumpay ay nasa Lalim ng Naratnan”

Rate this:

Pagnilayan Natin ang Daan ng Krus

  Alam niyo ba kung saan nagsimula ang Daan ng Krus na ginagawa natin tuwing Mahal na Araw? Nagsimula ang daan ng krus bilang isang peregrinasyon o pilgrimage. Naglalakbay tungo sa Jerusalem ang mga taong may mabigat na dinadala, penitensiya o debosyong kailangang gampanan, o mga may espesyal na hinahangad sa Maykapal. Naniniwala silang mayContinue reading “Pagnilayan Natin ang Daan ng Krus”

Rate this:

Maging Bukas-Palad sa mga Kapus-Palad

Pag-iisipan natin ngayon ang ugnayan ng ating pag-aalay-kapwa at ng inaasam nating kaligayahan. Para sa ating lahat, ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagsasakripisyo. May ibang nag-aayuno sa iba’t ibang uri ng pagkain, o umiiwas sa mga bagay na kinagigiliwan natin tulad ng video games at Facebook.   Noong unang panahon, nag-aayuno ang mgaContinue reading “Maging Bukas-Palad sa mga Kapus-Palad”

Rate this:

Bakit Kailangang Magnilaynilay sa Panahon ng Kuwaresma

  Habang papalapit na ang pagtatapos ng maraming mga estudyante at pagsisimula na ng bakasyon, makatulong nawa ang aking kuwento. Nangyari ito noong mga panahon sa Africa. Dala-dala ang maraming gamit ng mga bagong salta sa misyon, pinabilisan ng mga misyonero ang karwahe. Pagkatapos ng ilang sandali, huminto nang bigla ang lahat. At ayaw ngContinue reading “Bakit Kailangang Magnilaynilay sa Panahon ng Kuwaresma”

Rate this:

Walang Namamatay sa Dilim

“We do not die from the darkness; we die from the cold.” – Miguel de Unamuno Takot ka ba sa dilim? Bakit ka natatakot? Sinasagisag ng dilim ang maraming bagay. Maaaring nakaraan: mga karanasang ayaw na nating balikan o gunitain. Maaari din itong panghinaharap: hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Kaya lagingContinue reading “Walang Namamatay sa Dilim”

Rate this:

Paano Mo Mamahalin ang Taong Ibang Iba sa Iyo?

May nagtanong sa DZMM, sa programmang “Usapang Kapatid” kasama si Fr. Nono Alfonso SJ, Sr. Bubbles Bandojo RC, at Bian Orenciana: “Paano mo mamahalin ang isang taong ibang-iba sa iyo?” Tila bang nawawalan na siya ng pag-asa sa isang mahal sa buhay, iba nga lang ang personalidad. Heto po para sa iyo, at para saContinue reading “Paano Mo Mamahalin ang Taong Ibang Iba sa Iyo?”

Rate this:

Ginawa Tayo Upang Maging Parte ng Ibang Buhay

Gaano ka ba kadalas malungkot? Nararamdaman ang lungkot hindi lamang sa pag-iisa, kundi sa gitna ng maraming tao, sa isang party, o kaya’y pagkatapos manood ng sine. Minsan saglit ang lungkot kapag biglang naalala mo ang iyong kabiyak at hindi mo siya kapiling. Bakit nga ba hindi napapawi ang kalungkutan? Nangagaling ang kalungkutan sa isangContinue reading “Ginawa Tayo Upang Maging Parte ng Ibang Buhay”

Rate this:

Ang Tasang Kape sa Ating Buhay

Pagnilayan natin ang ating buhay sa pamamagitan ng paggamit ng larawan ng tasang puno ng mainit at masarap na kape sa umaga. Pagmasdan natin ang ating mga tasa. Kadalasan yari ito sa iba’t ibang materyales tulad ng plastic o sa mga tinatawag na stonewares, yari ang tasa sa luwad. Wika ni San Pablo, katulad natinContinue reading “Ang Tasang Kape sa Ating Buhay”

Rate this:

Anong Pangarap ang Nakikita Mo?

Meron akong proposal sa inyong lahat. Madalas nating ginagamit ang salamin. Kung napanood ninyo ang unang pelikula ng Harry Potter, may isang salamin na tinatawag nilang The Mirror of Erised. Kung babaliktarin ninyo ang Erised, magiging desire. Nung tinitingnan ni Harry Potter ang salamin, nakikita niya ang kanyang yumaong mga magulang. Gagamitin natin ngayon angContinue reading “Anong Pangarap ang Nakikita Mo?”

Rate this:

Tama Ba ang Debosyon natin sa Sto. Nino?

Isang pagre-respeto ng proseso ng paglaki at paglago ang debosyon ng Sto. Nino. Nauunawaan natin na ang bata ay unti-unti at hinay-hinay itong tumatanda. Hindi maaaring madaliin ang anumang pagtubo. Pinagpaplanuhan, pinagtiya-tiyagaan at pinagsisikapan ang kahit na anong paglalago, tulad ng isang magulang na nagpapalaki ng anak. At tulad nang sinabi sa Ebanghelio, tuloy-tuloy angContinue reading “Tama Ba ang Debosyon natin sa Sto. Nino?”

Rate this:

Bigyang Puwang ang Ating Nakatatanda

Buhay pa ba ang iyong mga lolo at lola? Sa aking mga misa sa umaga laging nakikita kong nagsisimba ang mga matatanda. At lagi nilang sinasabi na sila’y naiiwanan na lamang ng kanilang mga anak. Sa ibang bansa, nilalagay na lamang sila sa Home for the Aged. Buti na lang nasa kultura pa rin natinContinue reading “Bigyang Puwang ang Ating Nakatatanda”

Rate this:

Paano Susuriin ang Sarili

  Habang ninanamnam natin ang masarap na bakasyon sa nakaraang Pasko, nararapat lamang na magbalik-tanaw sa nakaraan upang lalung palalimin ang natutuhan sa mga nagdaang karanasan. Ang pagbabalik tanaw na ito ay makakatulong sa pagkakataong baguhin ang buhay natin sa bagong taong ito. Maari nating gamitin itong tatlong tanong na galing kay San Ignacio deContinue reading “Paano Susuriin ang Sarili”

Rate this:

Ipunin Natin ang Biyaya ng Nakaraang Taon

  Tinatago mo ba ang mga Christmas o birthday cards na binigay ng iba’t ibang mahal mo sa buhay? Ako, oo. Inaamin kong sentimental akong tao: mahalaga sa akin ang mga ebidensya ng pagmamahal, maging card man ito, sulat o litrato. Sa aking upisina, meron akong tinatawag na inspirational wall kung saan nakalagay ang iba’tContinue reading “Ipunin Natin ang Biyaya ng Nakaraang Taon”

Rate this: