Tiyakin na ikaw ang may kontrol sa social media, at hindi ang social media ang may hawak sa iyong buhay.

Sino ba ang lagi mong katabi? Ang iyong mahal sa buhay o ang cellphone? Marami sa atin ang adik sa social media. Naaaliw tayo sa mga posts ng ating mga fina-follow, at mas madalas, naiinggit tayo sa kanilang mga ginagawa. Nangangarap tayong maabot ang kanilang narating, kaya #SANAALL ang ating hashtag. Ang lahat ng teknolohiyaContinue reading “Tiyakin na ikaw ang may kontrol sa social media, at hindi ang social media ang may hawak sa iyong buhay.”

Rate this:

Respetuhin din ang Sariling pangangailangan

Mahirap ka bang humindi? Lalo na kapag kapamilya ang nangangailangan, kadalasan hindi natin natatanggihan ang kanilang mga hinihiling. Sinasabi natin na nakakahiya naman, o kaya, nakakaawa. May mga kapamilya tayong nagtatrabaho sa ibang bansa na mabigat ang batahin dahil sinusuportahan nila ang kanilang buong pamilya’t kamag-anak. Nag-aakala ang mga kababayan natin dito sa Pilipinas naContinue reading “Respetuhin din ang Sariling pangangailangan”

Rate this:

Galaw-galaw naman tayo diyan upang lalong sumaya.

Huwag kakaligtaan nating mag-exercise araw-araw. Hindi kailangang magkaroon ng high-intensity workout sa gym, pwede din mamasyal o sumayaw sa ating sariling bahay. Kailangang aktibo tayong lahat upang lalong sumaya ang ating buhay. Ang benepisyo ng paggalaw ay hindi lamang pisikal. Ayon sa mga clinical psychologists tulad ni Dr. Jasper Smits, PhD, inaakyat nito ang atingContinue reading “Galaw-galaw naman tayo diyan upang lalong sumaya.”

Rate this:

The Examen: Suriin upang magpasalamat at matuto sa nakaraang taon.

Ilang araw na lamang ang nalalabi sa taong 2019. At tulad ng mga bagay na nagtatapos, nararapat na balikan ang nakaraan upang pag-igiban ito ng aral at pasasalamat. Pahintulutan niyo po akong ituro ang ginawa ko sa araw-araw, nguni’t maaaring gamitin ito sa anumang pagsusuri sa presensya ng Diyos sa ating buhay. Una, with God,Continue reading “The Examen: Suriin upang magpasalamat at matuto sa nakaraang taon.”

Rate this:

Live In The Moment

A Christmas message. Namnamin ang ngayon. Ramdam na ramdam na natin ang Kapaskuhan. Wala nang pasok. Ang mga kapamilya’t kaibigan ay magkakasama. Hinahanda na rin natin ang magiging noche buena. Malakas ang tugtog ng mga Christmas songs, at sigurado akong maingay na ang iyong mga bahay. At yung iba naman, last minute na paggo-grocery atContinue reading “Live In The Moment”

Rate this:

Iwasan ang Labis na Paghuhusga

Aminin natin o i-deny, lahat tayo ay humuhusga. Share ko lang ang madalas kong pagpuna sa iba lalo na sa larangan ng ideya, prinsipiyo o posisyon sa iba’t ibang isyu sa lipunan. Totoong, kailangan ang kritikal na pag-iisip lalo na sa paglutas ng problema, o pag-unawa sa isang kumplikadong proseso o sitwasyon.  Ngunit may tinatawagContinue reading “Iwasan ang Labis na Paghuhusga”

Rate this:

Isang Matatag na Barkada ang Nakakatulong sa Ating Kaligayahan

Panahon ng pagpapalalim at pagpapalago ng mga ugnayang importante sa ating buhay ang kapaskuhan. Hinihimok sa ating lahat na alalahanin ang mga matatatag na samahan na nagpapaligaya sa atin. Importante sa ating buhay ang “sense of belongingness.” Ito ang pakiramdam na kabilang ka sa isang pamilya, barkada o kalipunan. Meron kang kasama sa kainan, laro,Continue reading “Isang Matatag na Barkada ang Nakakatulong sa Ating Kaligayahan”

Rate this:

Hindi Ka Nag-iisa. May Pwedeng Tumulong

Madalas maramdaman ng kahit sinong may problema na walang ibang makakatulong kundi ang kanilang sarili lamang. Kung baga kay Sharon Cuneta, “pasan ko ang daigdig.”  Kaya marami sa atin ang kumikimkim na lamang dahil ayaw nating mabagabag ang ating pamilya, masayang ang oras ng ating mga kaibigan, o bigyan ng pasanin ang ibang tao. KayaContinue reading “Hindi Ka Nag-iisa. May Pwedeng Tumulong”

Rate this:

Hindi Nararapat Pansinin ang Negatibo

Kapag hirap ka sa buhay, huwag tumabi sa mga magpapalala nito. Sa mga mahihirap na sitwasyon, ang kailangan mo ay mga taong positibo at magsusuporta sa iyo, hindi ang mga taong gagatungan lang ang iyong problema. We are the company we keep. Dahil diyan, iwasan mo ang mga buwisit sa buhay. Hindi sila karapat-dapat naContinue reading “Hindi Nararapat Pansinin ang Negatibo”

Rate this:

Maging Mabait sa Sarili

May katotohanan sa kasabihang pinapalaki natin ang ating mga problema. Dahil hindi madalas tayong mabigo, sinisisi natin ang ating sarili at hindi natin binibigyan ang ating sarili ng panahon na huminga man lang, kahit pansamantala lamang. Tulad ng mga atletang nagma-marathon, kailangan ng panahon na tumigil ng sandali at magpahinga. Nagiging madaling harapin ang problemaContinue reading “Maging Mabait sa Sarili”

Rate this:

Bigyan Ng Diin ang Kasalukuyan

Nadadagdagan ng bigat ang ating problema kung pinagsisiihan natin ang nakaraan tulad ng pagrereklamo ukol sa mga umalipusta o umapi sa atin noon. Maaari din nating pagsisihan ang ating mga desisyon sa buhay na naging sanhi ng ating sitwasyon ngayon. Minsan ang takot sa hinaharap ang nagpapabigat ng ating problema tulad ng takot sa paglalaContinue reading “Bigyan Ng Diin ang Kasalukuyan”

Rate this:

Minsan Nagiging Biyaya Ang Hindi Natin Nakakamtan

Marami tayong sinangguni sa Diyos at taimtim na pinagdasalan ang hindi napagbigyan. At may dahilan ang Diyos, at maaaring hindi ito para sa atin.  Nguni’t ang anuman hinanakit sa buhay ay maaaring magdulot ng isang negative mind-set. Ito ang kailangan nating iwasan. Laging may makikita tayong silver lining sa bawat mahirap na sitwasyon. Dito natinContinue reading “Minsan Nagiging Biyaya Ang Hindi Natin Nakakamtan”

Rate this:

May Matututunan Ka sa Lahat ng Karanasan

Wika ni Jose Rizal, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Maaari nating unawain ito sa larangan ng ating nakaraan: ang ating mga natutunan sa buhay ang siyang tutulong sa atin sa gitna ng labis na paghihirap. Mainam balikan ang ating mga natutunan kapag nahihirapan tayo sa buhay. Pinapalakas ng atingContinue reading “May Matututunan Ka sa Lahat ng Karanasan”

Rate this:

Nadaanan mo na ang Lahat.

May naalala akong kuwento ukol kay Miggy at Kulas, dalawang dagang magkaibigan. Si Miggy ay nakatira sa isang malaking bahay kaya laki siya sa yaman; samantalang si Kulas ay nakatira sa estero, kaya sanay na sa hirap. Isang araw, hindi makauwi si Miggy at Kulas dahil napuno ng snow o yelo ang buong paligid naContinue reading “Nadaanan mo na ang Lahat.”

Rate this:

Magbabago ang Lahat

Nahihirapan ka ba sa iyong buhay? Iniwanan ka ng iyong minamahal. Binalewala ng iyong asawa’t mga anak ang iyong pinaghirapan. Maysakit ang iyong mga magulang at wala kang sapat na perang pambili ng gamot. Sari-sari ang ating mga pinagdadaanan, at habang nasa kalagitnaan tayo ng prosesong ito laging may pakiramdam tayo na wala na itongContinue reading “Magbabago ang Lahat”

Rate this: