Pagnilayan ang Kasalanang Nakakaapekto sa Kalidad ng Pagmamahal

May isang kwento tungkol kay San Jeronimo at ang batang Hesus: “Minsan, nagpakita umano ang batang Hesus kay San Jeronimo at sinabi sa kanya: “Jerome, ano ba ang handog mo sa akin?” At ang sagot ni Jerome, “Panginoon, ibinigay ko na ang lahat, maging ang buhay ko.” At ang batang Hesus ay tumugon, “May isaContinue reading “Pagnilayan ang Kasalanang Nakakaapekto sa Kalidad ng Pagmamahal”

Rate this:

Namnamin ang Pagkakataong Magpasalamat

Sa panahon ng paghihirap, napakahalaga ng pagpapasalamat dahil tinutulungan tayo nitong huwag mahulog sa kawalan ng pag-asa. Sa mga panahong nasusubok tayo, hindi ba’t meron pa rin tayong trabaho at mga ka-trabaho; kaibigan at ka-ibigan? Para sa karamihan, higit na may dahilan upang magpasalamat dahil meron tayong relasyon sa Diyos. Ito ang nagsisilbing gabay saContinue reading “Namnamin ang Pagkakataong Magpasalamat”

Rate this:

Subukang Tandaan ang mga Panahon ng Pagmamahal

Sa huling buwan bago ang pasukan, habang may panahon din para magnilay, meron akong proposal. Subukan nating tandaan ang mga panahon na nakaramdam tayo ng matindi o labis na pagmamahal. Ito ay maaaring galing sa ating tatay, anak, ate, kuya, girlfriend or boyfriend. Bakit ito ang aking proposal? Kadalasang nauubos ang ating enerhiya sa iba’tContinue reading “Subukang Tandaan ang mga Panahon ng Pagmamahal”

Rate this:

Pahalagahan Nawa Natin ang Ritwal ng Ating Sariling Bayan

Isang buwan ng pagdiriwang ng panibagong buhay ang buwan ng Mayo. Ito ang buwan ng mga bulaklak at panahon ng ani. Dito din nakakasama-sama ang mga magkababayan lalo na sa Bohol kung saang may piyesta sa bawat lalawigan. At sa ibang dako naman, ito rin ang panahon ng pamamasyal at pagpapahinga bago sumalpak muli angContinue reading “Pahalagahan Nawa Natin ang Ritwal ng Ating Sariling Bayan”

Rate this:

Nawa’y May Kahulugan ang mga Bagay sa ating mga Bahay

Paano ba magpalaki ng mga anak na may pinaninindigan at prinsipyo sa buhay? May matututunan tayo sa mga coffee shops sa ating paligid. Hindi ba tayo nagtataka kung bakit mahal ang kape? Ang hindi natin alam, binabayaran natin ang tinatawag na “ambience.” Ang ambience ay ukol sa ating kapaligiran. Ang mga values o pinapahalagahan saContinue reading “Nawa’y May Kahulugan ang mga Bagay sa ating mga Bahay”

Rate this:

Mabuting Magbakasyon sa Sariling Bayan

Kumusta po ang iyong pagbabakasyon? Marahil marami sa inyo ang nakauwi sa inyong mga sariling bayan. May kuwento ako. Bored na bored na sa kanyang buhay si Mang Pedring. Para sa kanya, nakawawalang-gana ang paulit-ulit na ginagawa niya sa buhay. Isang araw, may bumisita sa kanyang lalawigan. Ikinuwento nito ang isang Siyudad ng Kaligayahan. NilisanContinue reading “Mabuting Magbakasyon sa Sariling Bayan”

Rate this:

Pahalagahan ang Maliliit na Ritwal sa Bahay

Anong mga kinauugalian sa inyong bahay ang nakatutulong sa pagkakalapit ng bawat miyembro ng pamilya? Sa aking pamilya naaalala kong itinuro ng aking mga magulang ang paghalik sa kanila o sa kanilang kamay tuwing aalis at darating. Para sa akin, hindi lamang ito isang pagpapakita ng paggalang kundi ito ay isang pagbabasbas; isang pagpapahiwatig naContinue reading “Pahalagahan ang Maliliit na Ritwal sa Bahay”

Rate this:

Ang Sukatan ng Tagumpay ay Nasa Lalim ng Naratnan

Happy Easter po sa inyong lahat! Ngayon po ipinagdiriwang natin ang tagumpay ni Kristo sa kamatayan! Ano nga ba ang tagumpay? Nasusukat ba ito sa taas ng iyong pinag-aralan, o sa posisyon na iyong hinahawakan? Sino ba ang matagumpay: ang isang mayor na nangungurakot o ang isang janitor na may malasakit? Sa mata ng mundo,Continue reading “Ang Sukatan ng Tagumpay ay Nasa Lalim ng Naratnan”

Rate this:

Pagnilayan Natin ang Daan ng Krus

Alam niyo ba kung saan nagsimula ang Daan ng Krus na ginagawa natin tuwing Mahal na Araw? Nagsimula ang daan ng krus bilang isang peregrinasyon o pilgrimage. Naglalakbay tungo sa Jerusalem ang mga taong may mabigat na dinadala, penitensiya o debosyong kailangang gampanan, o mga may espesyal na hinahangad sa Maykapal. Naniniwala silang may biyayangContinue reading “Pagnilayan Natin ang Daan ng Krus”

Rate this:

Maging Bukas-Palad sa mga Kapus-Palad

Pag-iisipan natin ngayon ang ugnayan ng ating pag-aalay-kapwa at ng inaasam nating kaligayahan. Para sa ating lahat, ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagsasakripisyo. May ibang nag-aayuno sa iba’t ibang uri ng pagkain, o umiiwas sa mga bagay na kinagigiliwan natin tulad ng video games at Facebook. Noong unang panahon, nag-aayuno ang mga taoContinue reading “Maging Bukas-Palad sa mga Kapus-Palad”

Rate this:

Huwag Limutin ang mga Bagay na Hindi Napapawi Magpakailanman

Sa panahon ng Kuwaresma o Lent, pinagninilayan natin ang mga mahahalaga sa ating buhay. Kasama sa pinag-iisipan ang halaga ng mga materyal na bagay. Meron akong kuwento. Si Lolo Jose at ang kanyang apo na si Henry. Sabi ni Henry: Paglaki ko, sisiguraduhin kong ma-abilidad ako. Tanong ni Lolo: “Pagkatapos?” “E, di magkakaroon ako ngContinue reading “Huwag Limutin ang mga Bagay na Hindi Napapawi Magpakailanman”

Rate this:

Huminto Nang Sandali at Magnilaynilay

Habang papalapit na ang pagtatapos ng maraming mga estudyante at pagsisimula na ng bakasyon, makatulong nawa ang aking kuwento. Nangyari ito noong mga panahon sa Africa. Dala-dala ang maraming gamit ng mga bagong salta sa misyon, pinabilisan ng mga misyonero ang karwahe. Pagkatapos ng ilang sandali, huminto nang bigla ang lahat. At ayaw ng mgaContinue reading “Huminto Nang Sandali at Magnilaynilay”

Rate this:

Nahahati Ba ang Pag-ibig?

May nagtanong sa akin: sinasabi kong ang first priority ko ang aking pamilya, ngunit bakit dumadating ang panahong kailangan kong piliin ang aking trabaho para sa kanila? O isang estudyante naman ang nagbahaging mahal niya ang kanyang girlfriend, ngunit, may mga oras hindi maaaring bitawan niya ang kanyang pag-aaral kung nagyayaya siyang lumabas. Nahahati baContinue reading “Nahahati Ba ang Pag-ibig?”

Rate this:

To Break or To Keep the Law

18 January 2012: Wednesday of the 2nd Week in Ordinary Time Mark 3:1-6 Inscribed on a Zen monastery sign: If you break the law, you will never attain freedom. And underneath it:  If you keep the law, you will never attain freedom. The issue in Mark’s Gospel today is not the healing of the paralyzedContinue reading “To Break or To Keep the Law”

Rate this:

Ang Diyos ng Liwanag

ika-24 ng Disyembre 2011 Misa de Gallo 2 Sm 7:1-5, 8b-12, 14a, 16; Psalm 89; Luke 1:67-79   Note: This article appears in the Filipino Sambuhay today. Sambuhay is the missalette published by the Society of St. Paul in the Philippines. Lumaki si Yuan, 10-taong gulang, sa isang bahay-ampunan. Isang madaling-araw, nagising siya. Bagaman madilimContinue reading “Ang Diyos ng Liwanag”

Rate this: