How can we help the hungry?

The rise of various community pantries inspired by Ana Patricia Non’s Maginhawa initiative is a survival response to an inept leadership. The people’s generosity is keeping communities get through this crisis. This is the transcription of the video below.

Paano ba tayo tumutulong sa mga nagugutom? Nang naging viral ang “Community Pantry” sa Maginhawa Street sa Quezon City, ang sinimulan ni Ana Patricia Non ay kumalat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas tulad ng Tiaong, Balabag, Mother Ignacia, atpb. Naka-batay sa patakarang:

“Magbigay ayon sa kakayahan; Kumuha batay sa pangangailangan,”

Ana Patricia Non

Itong initiativa ng mamamayan ay nakakatulong sa maraming nagugutom sa Pilipinas lalo na sa pandemiya na labis na naka-apekto sa tinatawag nating, “vulnerable poor”.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey noong September 17-20, 2020, isang record high of 30.7% of families (or 7.6 million households) ang nakaranas ng gutom, isang beses kada tatlong buwan. Noong ika-lima ng Oktubre 2020, 39% ang walang trabaho; ang iba naman ay hindi nakaka-alis ng bahay upang magtrabaho. Ang kawalang-trabaho ay isa sa malaking dahilan ng gutom.

Hindi nakapagtataka na hindi na rin umaasa ang mga tao sa gobyerno. Kung hindi kikilos ang pamahalaan nang nararapat, hindi matitiis ng konsyensiya ng Simbahan at ng mamamayan tulad ni Ana Patricia Non na hayaan na lamang ang mga taong mamatay sa gutom at siyempre sa Covid19.

Kung may mga kilos na ganito sa inyong mga komunidad, ikakatutuwa ng Diyos ang ating pagtulong sa anumang paraan. Nakapagbigay ang pamilyang ito na taga-Paniqui, Tarlac sa  ng mga kamote. At nakakatuwa na pati ang mga mangingisda ng Binangonan, Rizal ay nakapagbigay ng 50 kilos ng surplus freshly caught fish sa community pantry sa Quezon City.

Kaya, kayang-kaya din natin magbigay ng kahit konti man lamang.

Manalangin tayo: O Diyos, lagi naming sinasamo na maging bukas-palad, buksan mo ang aming puso sa pagtulong sa mga nangangailangan. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: