This is a transcript of the video below.
Sino ang nakakaligtaan mong pakinggan? Ngayong Lunes ng Semana Santa, pagninilayan natin ang ating pagbibingi-bingihan sa mga kailangang pakinggan, lalong-lalo na ang mga taong maliliit sa ating paningin.
Dahil matulin ang takbo ng ating buhay at lagi tayong nagmamadali, nakakaligtaan na natin ang makinig. Kadalasan, pinuputol natin sa kalagitnaan ang nagsasalita. Wika ni Pope Francis,
“Yet today’s world is largely a deaf world… At times, the frantic pace of the modern world prevents us from listening attentively to what another person is saying. We must not lose our ability to listen”.
Pope francis, fratelli tutti #48
Nguni’t ang mga salitang iyon ni Pope Francis sa Fratelli Tutti ay may kaugnayan sa Laudato Si, ang kanyang sulat ukol sa kalikasan. Bingi din tayo sa sigaw ng ating kapaligiran.
Halimbawa, ang nakikita ninyong mga bundok ay halos kalbo na dito sa Kapatagan, Davao Occidental. Sanhi raw ito ng iba’t ibang mga ahensiya ng agrikultura na nagpasimula ng mga taniman ng saging at niyog. Sa halip, proteksiyonan ang kagubatan labis naman itong kinalbo.
Hindi maka-Diyos ang pagbibingi-bingihan. Kaya ginagamot ng Panginoong Hesus ang bingi. Wika niya,
And looking up to heaven, he (Jesus) sighed and said to him, “Ephphatha,” that is, “Be opened.” And his ears were opened, his tongue was released, and he spoke plainly.
Cure of the Deaf and Mute, Mark 7:34-35
Buksan natin ang ating mga tenga sa mga boses ng kapwa’t kalikasan. Talasan natin ang pakikinig upang makarating sa kinauukulan ang mithiing alagaan ang ating mundo, ang ating mismong tahanan.
Manalangin tayo: Isinasamo namin, O Panginoong Hesus na makapangyarihan, na kaming nagkukulang sa iyo, dala ng aming kahinaan, ay lumakas sana dahil sa mahal mong pagpapakasakit sa krus. Amen.