This is a transcript of the video below.
Sino o sa ano ka laging nauuhaw? Sapat na ba ang lahat sa buhay mo? Kapag nakamit natin ang tagumpay, lagi bang may kakaibang hangaring gusto pa natin ang mas mataas pa kaysa sa naabot na?
At kung sakaling naabot na ito, hindi pa rin napapawi ang ating pagka-uhaw. Sa kasawing-palad, marami sa mga taong naabot na ang tuktok ng tagumpay ay nananatiling hungkag o empty ang kaloob-looban.
Walang “sapat” sa atin; there is no “enough”—we want more than what we already have or know. We are never satisfied.
Tweet
Ganito ang pagka-uhaw. Kailangang uminom ka hanggang mapawi ito. Katulad daw natin ang tigang na lupa. Sulat sa Salmo,
“Kung paano nananabik ang isang usa sa umaagos na tubig, gayon din ang pananabik ng aking kaluluwa sa iyo, O Diyos.”
Psalm 42:1
At sa sulat ng Propetang Isaias, nangako naman ang Diyos na tutugunan Niya ang ating pagka-uhaw:
“Sapagka’t ako’y magpapaulan sa lupang nauuhaw at magpapaagos ng tubig sa lupang tigang.”
Isaiah 44:3
Samakatuwid, hindi mapapawi ang ating pagka-uhaw hangga’t matagpuan natin ang Diyos, ang pinanggalingan ng umaagos na tubig ng buhay!
Sa Panahon ng Kuwaresma, pinagninilayan natin ang ating mga pananabik. Sinasala natin ang mga hangaring pansamantala at ang mga pagnanasa ng ating kaluluwa. Sa gayon, matatagpuan natin ang pinangagalingan ng sigla at gana sa ating buhay.
Manalangin tayo: O Panginoon, bigyan mo kami ng tubig ng buhay! Bumukal nawa sa amin ang pananampalataya upang magningas ang aming pag-ibig sa Iyo at sa aming kapwa. Amen.