What Qualities Can Help Us Make Things Happen

This is the transcription of this video.

May kasabihan: If you will, you can! Kung gugustuhin mo, magagawa mo!

Hindi lang bagyo ang sinapit natin, bumabagyo din sa ating kalooban. Mahaba na ang listahan natin ng hinanaing sa buhay. May nakita akong poster sa labas ng isang tindahan: “Gusto mo bang yumaman? Huwag ka nang tumunga-nga, hanap ka ng trabaho!” Bagaman mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ng pandemiya, meron siyang sinasabi sa ating lahat: Huwag ka nang maghintay, tara na’t gumalaw! Hanapan natin ng solusyon! Sa pagdiriwang natin ng Kristong Hari, binabaling natin ang ating mata kay Kristo bilang pinuno. What qualities of Jesus can enable us to make things happen?

Unang-una, kailangang alam mo ang gusto mo. Makikita mo ang mga pagkakataon kung malinaw at matindi ang hangarin mo. You can if you will: Kailangan mong gumalaw. Don’t wait for other people to motivate you. You take more risks. Kung gusto mong solusyunan ang mga dinadala mo, siguraduhin mong matatanggap mo rin ang mga balakid na haharapin mo. Remember: we become willing to take risks because there are much greater consequences when we don’t risk at all. Paborito ko ito: Jesus made things happen. But as humans, we can also make things happen, but we will make a lot of mistakes. Thomas Watson of IBM said that the way to succeed is to double your failure rate. The greater the potential, the greater chance for failure. Robert Kennedy once said, “”Only those who dare to fail greatly, can ever achieve greatly.

If you are afraid or hesitant to take action, take time to pray and reflect on why you lack initiative. Natatakot ka ba? Natrauma ka ba sa nakaraang pagkakamali?

Manalangin tayo: O Kristong Hari, pahintulutan mo kaming maging matatag at matapang sa mga dapat naming gawing para sa aming mga mahal sa buhay. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: