Sama-sama Tayong Magtulungan

This is the transcription of this video.

Taga-Camalig, Albay po ako at isa kami sa mga nasalanta ng nagdaang super typhoon. Sa amin ang mga bidyo ng dike na nasira, ang nagsisiliparan na mga yero at ang flashfloods na galing sa Mayon. Bagaman ang mga nakunan ay nasa aming bayan, pareho po ang sinapit ng lahat na dinaanan ng bagyo. Hindi bago sa aming mga Bikolano ang pagiging una sa mga natatamaan ng kalamidad.

Kailangan namin ng tulong sa gobyerno bago pa man dumating ang anong sakuna, may mga naka-ugalian kaming gawin kapag dumaan na ang bagyo. Ito ang aming bayanihan: sama-sama ang taumbayan sa paglilinis ng paligid; at sama-sama ding nagtitiis sa brown-out, taggutom, at sa kahirapan. Importante ang sama-sama. 

Sabi ni Pope Francis ukol sa kaligtasan: Salvation is not just personal but also communal. HIndi natin kayang iligtas lamang ang ating sarili kundi naililigtas tayo nang dahil sa ating mga kasama’t kababayan. Tulad ng sama-samang pag-aayos ng mga naputol na kahoy at poste, nakakalat na mga dahon at iba pa, tinutulungan natin ang isa’t isa upang ayusin muli ang ating buhay. 

At dahil dito, kailangan natin ang tulong ng gobyerno: hindi pwedeng sabihin ng gobyerno na “bahala na kayo, dahil resilient naman kayo!” o “Sanay naman kayo!” Meron dapat ambag ang gobyerno at ang bawat mamamayan upang mailigtas natin ang buong bayan sa mga bagyo at pandemiya ng kasalukuyan nating buhay. Manalangin tayo: 

O Diyos, hiling namin ang kaliwanagan at pagbabago ng puso ng aming mga namumuno na ibaling nila ang kanilang paglilingkod para sa kapakanan ng tao. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: