What To Do When Someone Wants To End Everything

Note: This is a transcription of this video for the Suicide Prevention Month this September 2020. Check the video here.

Binibigyan natin ng diin ang halaga ng buhay sa buwan ng Septyembre, ang Suicide Prevention Month. Ayon sa libro ng Deuteronomiyo (30: 15-20), hinihimok tayo ng Panginoon na laging piliin natin ang buhay. Kapag may kapamilya o kaibigan tayong nais tapusin ang kanyang buhay, huwag tayong magambala: meron tayong magagawa.

Be yourself. Kinakailangan mong maging ikaw sa pakikitungo sa kaniya. Hindi mo kailangang maging pari o counselor. Importanteng masabi mo na meron siyang karamay at hindi siya nag-iisa.

Makinig: masakit at mahirap makinig ngunit kailangan nilang mailabas ang kanilang saloobin.

Magpakita ng simpatiya at huwag maging judgmental. Wasto ang pagbabahagi ng kanilang nararamdaman sa iyo, kaya hindi kailangan ng advise o paghuhusga.

Huwag kalimutang ipadama ang pag-asa. Ipaalala na mahalaga ang kanyang buhay sa iyo, may maaaring tumulong sa kanyang iniisip, at mapapawi rin ito sa paglipas ng panahon.

At higit sa lahat, seryosohin ang kanyang sinasabi. Huwag balewalain at gawing katatawanan. Kung magsabi siyang “Depressed ako,” maaari mo siyang tanungin kung iniisip din niyang wakasan ang kanyang buhay. Huwag po tayong mag-alala, hindi natin sila binibigyan ng ideya, kundi binubuksan natin ang pagkakataong ibahagi nila ang sakit na kanilang dinaramdam.

Hindi nakakatulong ang pagbibigay ng lecture, pakikipag-away, paghuhusga, pagpapakita ng pagkabigla, pag-aalay ng solusyon o pag-iisip na aayusin mo sila.

It is not how bad the problem is, but how badly it is hurting your friend or loved one. So, help your friend choose life.

Manalangin tayo: O Diyos, diligin mo kami ng sigla’t inspirasyon upang lumago kaming nagbibigay-buhay at pag-asa sa iba. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: