Magtulungan sa Pasukan

Note: This is a transcription of my Kape’t Pandasal video now published on my Youtube channel here. Because of the challenges besetting those who will begin online classes this August, it is important to be more understanding, patient, and extra helpful to all those who are adjusting: the teachers, the students, and the parents. Here’s a sharing of our experiences so far, since we opened ahead of many schools.

Pasukan na sa maraming paaralan ngayong buwan, kaya lang may pagkaka-iba sa dati nating buhay: lumipat na ang eskuwelahan sa bahay sa pamamagitan ng internet. Hindi madali ang buhay online. At sinasabi ko po ito sa inyo dahil nauna na po kami dito sa Ateneo de Davao noong June 22 sa online education.

At totoong nahirapan po ang lahat dahil hindi ito isang paglilipat lamang ng klase sa internet. Maraming kailangang baguhin kasama ang lesson plans, ang stratehiya sa pagtuturo, pati ang mga aktibidades at gawaing-pangkurso. Naisip niyo na ba kung paano gagawin ang laboratories ng chemistry sa bahay?

At dahil itinapon tayo sa ganitong sitwasyon ng virus at ang pagkawalang-bahala ng gobyerno, minamadali tayong lahat. 

Nguni’t hindi lang ang paaralan ang nagkakandarapa sa paghahanda. Panibagong hamon sa estudyante ang online, hindi lang ito problemang pang-gadget at internet access. Natututo tayong Pilipino lalo na ang bata, kapag may interaction sa mga magkakaklase.

The social element of the physical class is reduced to a minimum when online.

At kakabit sa hamon sa estudyante ang pagdadaanan din ng mga magulang na hindi sanay sa buhay-online. Kailangan ng parental supervision ang kanilang mga anak, na dati nasa kamay ito ng mga guro sa pisikal na paaralan. 

Dahil dito, mas kailangan natin ang pag-uunawa, pagpapasensya at pagtutulungan ng lahat.

Nagsisikap ang guro, estudyante’t mga magulang. Nguni’t mas mainam na maghanap ng iba’t ibang paraan upang mas maging matagumpay ang online classes. 

Manalangin tayo: O Diyos, gabayan Niyo po kaming sama-sama sa mga pagbabago’t hamon sa buhay ngayon. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: