Maging Tulad Ng Tubig

Usapan ngayon sa social media ang pagtaas ng nibel ng stress dahil sa pandemyang ito. 84% ng mga Pinoy ang nababagabag sa kalagayan ngayon kasama ang dinadaranas na gutom, kawalang-trabaho at iba pang epekto ng pandemya. Habang tumatagal lumalala ang sitwasyon. Dahil dito, damang-dama ang takot na babagsak ang bayan kung ipagpapatuloy ang ganitong pamamalakad ng pamahalaan.

Nguni’t kailangang lumaban sa buhay hindi lang para sa ating mga kapamilya kundi pati na rin sa buong bayan.

Buong paghanga ang nakikita ko sa social media: mga kababayan nating nakakuha ng pagkikitaan, tulad ng pagnenegosyo online ng mga ube pandesal at sushi bake. Nakakatulong din ang mga panibagong hilig. Nakakatuwa ang mga nagiging plantito o plantita. Nakakawala ng stress din ang nagpapakita ng galing sa pagsayaw, pagkanta o kaya pagluluto na pino-post sa Tiktok.

Higit sa lahat, ang paggamit ng teknolohiya sa pagpapalago at pagpapalalim ng ating mga pagkakaibigan ang isa sa mga nakakatulong sa ating emotional well-being. Marami pang paraan upang pangalagaan ang ating kalusugan, pisikal man o emosyonal.

Ganito ang tubig. Maglagay ka man ng balakid, makakarating pa rin ito sa patutunguhan. Walang makakatigil sa tubig.

Water will always find its way to the sea.

Ganito ang sigaw ng mga tao sa Hong Kong. Ganito rin sa pananampalataya: hindi papayagan ng Diyos na manaig ang kasamaan sa buhay.

Manalangin tayo: O Diyos, ikaw ang aming Tubig ng Buhay. Pahintulutan mo kaming maging matatag sa dinaranas namin ngayon. Amen.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: