Matuto Sa Bawat Pamamasyal

Kayo po ba ay nakapagbakasyon na? Marahil marami na sa atin ang nakapaggala na. Sinasamantala kasi natin magandang panahon para mamasyal. Nanginginayang lang po ako na hindi natin nasusulit ang ating pag-iikot. Nahuhuli ko rin po ang aking sarili na mas binibigyan ko ng oras ang mga photoshoots para may supply akong pang post sa aking social media. 

Bagaman maganda naman ang naging epekto nito sa turismo at sa pagnenegosyo, may mga aral tayong hindi nakukuha dahil iba ang ating pinagtutuunan ng pansin.

We are too busy taking photos, that we miss the beauty of what we are trying to capture.

Hindi kailanman mailalagay sa isang litrato ang kabuuang kagandahan ng kapaligiran. 

Minsan nilagay ko ang aking phone sa aking bag. Pinagmasdan ko lang mga bulaklak sa hardin ng Mirador Retreat House sa Baguio. Parang nilanghap ko lang ang kagandahan ng paligid.

At alam mo ang aking natutunan? PInapaalala ng bawat bulaklak kung bakit kailangan munang umulan. Naiyak ako: ang aking mga dinaanan ang sanhi ng aking mga tagumpay!

Manalangin tayo: Nawa’y matuto kaming makita ka, O Panginoon, sa kagandahan ng kalikasan upang maliwanagan kami sa kahulugan ng aming buhay. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: