Makinig Upang Makaunawa

Pinasasalamatan natin sa Panginoon ang mga ugnayang labis na nagbibigay inspirasyon sa ating buhay. Sobrang masaya ka sa iyong pamilya dahil magkakasama kayo sa kainan at pamamasyal. At pinopost mo sila sa Facebook. May boyfriend or girlfriend ka at fine-flex mo sila sa Twitter at Instagram. May hashtag ka pang #blessed at inaabangan mo ang comment na “Sana oil.”

Ngunit hindi ninyo maiwasan ang pagtatalo at pagtatampo. Natatakot ka bang walang forever?

Payo ni Pope Francis sa kanyang “Amoris Laetitia” o Joy of Love na harapin ang mga krisis nang magkasama. Pag-usapan ang mga isyus at makinig nang mabuti sa sinasabi ng kapwa.

Bakit? Sanay tayong depensahan ang ating sarili. Sa pagtatalo, mas iniisip natin ang ating isasagot, kailangang manalo tayo sa galing ng ating mga dahilan. 

Ngunit hindi boksing ang away ng nagmamahalan. Makinig upang umunawa. Makinig kung bakit siya galit. Makinig kung bakit siya nasaktan. Makinig upang lumalim ang pagkakilala mo sa kanya. Madalas hindi natin kailangan ang solusyon—alam na natin ang gagawin.

Madalas kailangan lang natin ang pakinggan.

Manalangin: Talasan po ninyo O Panginoon, hindi lamang ang aming taenga, kundi ang taenga ng aming puso. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: