Tindihan ang Paniniwalang Makakamtan Ang Pangarap

Sa aking palagay, may pangarap tayong lahat. May mga pangarap na para sa ating sarili, tulad ng makatapos sa pag-aaral, magkaroon ng trabaho, at mabuhay nang komportable.

May mga pangarap na may kinalaman sa iba: ang mai-ahon ang pamilya sa kahirapan, ang paglago ng kabuhayan ng mamamayang Pilipino at ang kapayapaan sa sanlibutan. 

Subalit, may mga pangarap na malayong-malayo pang makamtan. Nanghihina ang ating kalooban dahil sa maraming mga balakid. Tila ayaw ibigay ng Diyos ang ating pinakahahangad. Gaano ba katindi ang kagustuhan mong makamtan ang mga ito? Gagawin mo ba ang lahat? Titiisin mo ba ang lahat? Ibubuhos mo ba ang lahat?

Hanggang saan ang ibibigay mo para sa iyong hangarin?

Tindihan ang iyong paniniwala na mamakamtan mo balang araw ang iyong pangarap upang wala na itong magagawa kundi maging katotohanan.

Nakikita natin ito sa mga singing o talent contest. Ang kulang sa ibinibigay ang hindi nakaka-survive. Sabi nga nila, lahat may pangarap, nguni’t hindi lahat may tapang makamtan ito.

Manalangin tayo: Pag-apuyin mo, O Panginoon, ang aming mga puso’t isipan upang mag-alab ang paniniwalang ibibigay mo ang mga ito kung ayon ito sa iyong kalooban. Amen. 

Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: