Ang salitang “Lent” ay hango sa Anglo-Saxon na salitang, “lencten” o spring kung saan umuusbong ulit ang kapaligiran pagkatapos ng winter o tag-lamig. Dahil dito, ang panahon ng Kuwaresma ay ukol sa paglago at pagbabagong-buhay.
May kasabihan na hindi na bumabalik sa dati ang mundo sa bawat pag-ikot ng panahon. Ang paglaki ng isang kahoy ay sanhi ng iba’t ibang pag-usbong sa iba’t ibang panahon. Hindi na ito maaaring umurong at bumalik sa dati.
Dahil dito ang bawat hamon sa buhay ay isang paanyayang lumago.
Tweet
Paano mo malalaman na may paanyaya ng paglago? Kapag mahirap ito.
Tweet
Magkaibigang na-inlove, kailangang dumaan sa panganib na mawala ang pagkakaibigan, o lalalim ito bilang magkasintahan. Hahabulin ang pangarap, ngunit kailangang iwanan ang pamilya upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Gusto mo magbagong-buhay? Kailangang mayroon kang iiwasan, at mayroon kang tatanggapin.
May panganib ang bawat paglago.
Tweet
Manalangin tayo. O Diyos, gawin mong makahulugan ang Kuwaresma upang ang aming buhay ay magkaroon ng patutunguhang antas palapit nang palapit sa Iyo. Amen.
