Ilang beses na natin pinagdadasalan ang kapayapaan sa ating buhay. At malimit na hindi natin ito nakakamtan. Araw-araw nababagabag ang ating kalooban sa maraming mga hinanaing, hinanakit, at panghihinayang. At parang isang virus, dumadami ito at sinasakop ang ating katawan.
Kung hihimay-himayin natin ang mga dahilan ng ating pagkabagabag, matutukoy natin ang pinanggalingan ng mga ito. May mga dahilang wala tayong magagawa, tulad ng mga miyembro ng ating pamilya. Sila pa rin ang iyong mga magulang at kamag-anak, kahit sila ang ating binabatang krus. May mga sitwasyong hindi nating kasalanan, kundi naging biktima tayo ng maling desisyon ng iba.
Hindi lumubog ang barko dahil sa tubig sa kanyang paligid, kundi dahil sa tubig na nakakapasok sa kanya.
Tweet
Huwag nating hayaang makapasok sa kalooban ang lahat ng pangyayari na wala tayong magagawa. Sa halip, hanapin natin ng solusyon ang mga bagay na maaari nating baguhin.
Manalangin tayo: Panginoon, tanggapin nawa namin nang mapayapa ang mga bagay na wala kaming magagawa, at ang lakas ng loob tugunan ang maaari naming baguhin. Amen.
