Naranasan niyo na ba ang pagkakalat? Yung panahon na hindi mo na alam kung ano ang pinatutunguhan ng iyong mga ginagawa. Yung sabi ng karamihan, parang kang robot na naka-program na lamang ang ginagawa araw-araw.
Habang tumatagal, nawawala na rin tayo sa ating tunay na sarili. Kailangan natin balikan ang tunay nating landas sa buhay.
Kadalasan nagsisimula nang maliwanag ang ating kinabukasan. Nagsisimula ito sa isang makahulugan na pangako: ang panatang makatapos sa pag-aaral, ang sumpaan ng bagong kasal, ang panatang makabayan ng mga mamamayan.
Ngunit madalas napapako ang ating mga pangako. Nagbubulakbol ang estudyante; nakikipaglandian ang may asawa na; o ang hindi pagsunod natin sa mga simpleng batas tulad ng traffic lights.
Ayon kay Pope Francis, ang tunay na pagmamahal ay pinapakita sa mga maliliit na gawaing pangaraw-araw. Ang mga maliliit, ngunit paulit-ulit na gawaing ito ay mga re-commitments natin sa una nating pangako.
Tweet
Naalala ko sa aking mga magulang ang paghalik sa kanila bago umalis at sa pagdating sa bahay. Paulit-ulit, araw-araw. Itong simpleng pagpapakita ng respeto ay isang re-commitment sa aking pamilya.
Manalangin tayo: O Panginoon, nawa’y ang aming mga gawain pang-araw-araw magsilbing pagpapakita sa una naming sinumpaan. Amen.