Tradisyon na ang pagtingin natin sa Kuwaresma ay mga panahon ng pagtitiis, pagsasakripisyo, at pag-iiwas sa ating mga paboritong pagkain. At tama naman ang ganitong pagtingin. Hindi natin maisip-isip ang kakaibang saya na nakakubli sa panahon ng Kuwaresma.
Isang pagkitil sa kasamaan ang panahong ito. Ngunit maaari din nating isipin na ito ang panahon upang palaguin ang pinahahalagahan natin.
Lent: To eradicate evil, or better, to cultivate virtue.
Tweet
Maaari namang isipin itong panahon bilang pagbubunot ng masasamang damo sa ating buhay, ngunit mas mainam kung ito ang panahon ng pagtatanim ng mabubuting butil.
Lent: Pull up weeds or better, plant good seeds.
Tweet
Isang buhay positibo ang buhay Kristiyano. Mas nakatuon ito sa paglago ng kabutihan at kaluwalhatian ng Diyos. Mas gusto nating mabuhay hindi sa takot, kundi sa pag-ibig. Kaya kitang-kita natin nang malinaw ang mas mabuti: sa mata ng pag-ibig, malaya kang gawin ang kabutihan.
Manalangin tayo: O Diyos nawa palaguin mo sa amin ang isang pusong may magandang pananaw sa buhay. Amen.