Ayon kay David Brooks, we should rank our loves in highs and lows. Hindi pantay pantay ang iniibig natin. Iba ang pagmamahal sa pamilya, at sa kabarkada. Iba ang pagmamahal sa status at kayamanan.
Ayon kay San Agustin, ang kasalanan ay ukol sa pagkasira, that something is broken. Sabi niya, “We sin when we have our loves out of order.” Ibig sabihin, may ranking ang ating pagmamahal. Mas mataas ang pamilya, kaysa sa pera.
Kung nagsisinungaling tayo upang magkapera, nagiging “out of order” ang ating pagmamahal: mas pinahalagahan natin ang pera kaysa sa katotohanan.
Kung ibinahagi ng ating kaibigan ang kanyang sikreto, nguni’t ipinost natin ito sa social media, nagiging “out of order” ang ating pag-ibig—mas pinahalagahan natin ang pagiging popular kaysa sa pagkakaibigan. At alam natin na mali ang ganitong sitwasyon. Mali ang “ordering” ng ating pagmamahal.
Kaya mahalaga ang manahimik at magnilay. Sino o ano ba ang aking mga pagmamahal?
In what order do I love them? Kung ihahanay ko sila, ano ang mahalaga, at ang pinakamahalaga. Binibigyan ko ba ng panahon ang pinakamahalaga?
Tweet
Manalangin tayo: O Diyos, liwanagan mo ang aming pag-iisip upang maging malinaw sa aming buhay ang tunay na mahalaga. Amen.
