When is a great day? Ito ba ang araw kung saan nakakuha ka ng award, o napansin ka ng iyong crush, o ang araw na wala kang problema? Maraming mga pagkakataong kailangang ikubli mo muna ang katotohanan. Kapag nasa hospitality business ka, tulad ng receptionists, teachers, flight attendants, kailangan mong ngumiti, kahit masama ang iyong pakiramdam, kahit may problema ka sa bahay.
A great day is a day when you are yourself. When you are at home with yourself.
Tweet
Ngunit hindi dapat maglaho ang iyong sarili. Kailangan ng tapang upang sabihin ang tunay mong nararamdaman; to have a hard conversation tulad ng pagbibigay feedback sa isang katrabaho.
Kailangan ng tapang kapag ipapakita mong nasasaktan ka din. Na hindi ka bato. Hindi sa lahat ng oras matibay ka.
Tweet
May kanta si Gary Valenciano na gustong-gusto ko: The Warrior Is A Child. Na ang nakikibaka, nangangailangan ding alagaan. Ang nagaaruga, kailangan din ng pag-aaruga.
If we dare to be vulnerable, we often become at home with who we are. We become confident.
Tweet
HIndi ito yabang. Ang pinagmumulan ng confidence ay ang pagunawa na kung magiging totoo ka sa nararamdaman mo, hindi ka nag-iisa. Marami ka ding kasama. You are like everyone else.
Manalangin tayo: Bigyan mo kami ng lakas ng loob maging totoo sa aming sarili, O Panginoon, dahil Ikaw mismo ang lumikha sa amin. Amen.
