Ang oras na ginugugol natin para sa mga taong mahalaga ang labis na nakakatulong upang maging masaya sa buhay. Ayon kay Dr. Tsiki Davis, “one of the best things you can do for your happiness is to build meaningful relationships and social connections.”
Ilang kaibigan ba ang kailangan upang maging masaya? Tatlo hanggang sa limang mga tunay na kaibigan ang kailangan para sa “optimal well-being,” ayon sa isang pag-aaral ng University of Oxford. Para sa ating mga Pinoy, mas marami pa diyan ang ating kaibigan. Hindi ba?
Nagpapalakas sa ating immune system at tumutulong sa paggawa ng mga “feel-good neuropeptides, or endorphins” ang ating mga tawanan, alaskahan, kuwentuhan, o ang katiyakan na may karamay tayo sa buhay.
Tweet
Paano mo malalaman kung sino ang mahalaga? Wika ni San Ignacio de Loyola, pagdasalan mo ang iyong mga huling oras. Sino-sino ang nais mong kasama? Anong mga alaala nila sa iyo ang hindi makakalimutan? Dahil nalilinaw nito ang mahalaga, maaari na nating tingnan kung tunay nga bang may panahon tayo sa kanila.
Manalangin tayo: O Diyos, binigyan mo ng diin ang halaga ng pamilya’t pagkakaibigan. Nawa tulungan mo kaming ayusin ang aming schedule upang bigyan namin ng oras ang mga taong nasa kaibuturan ng aming puso. Amen.
