Saan mo gustong pumunta? May balak ka bang mag-explore, mag-travel, o subukan ang hindi mo pa nagagawa, tulad ng hiking o diving? Isa sa mga usong gawin ngayon ang bisitahin ang iba’t ibang lugar sa ating bansa. Dahil sa mga budget fares, nagiging magaan sa bulsa na rin ang pumunta sa ibang bansa. Mas kakaiba ang lugar, pagkain, o kultura, mas mabuti. Mas exciting kapag bago ang karanasan.
Nakakatulong sa ating mental health ang lumayo paminsan-minsan.
Tweet
Bumabalik ang ating sigla kapag tayo ay naka-bakasyon at nakapagpahinga. Binabalik nito ang lakas at sigla, upang sa pang-araw-araw nating gawain, nagiging malawak ang ating pananaw at pag-iisip. Binabago ng paglalakbay ang ating pagkatao.
Nakapunta ako sa iilang mga lugar na dinalaw ng Panginoong Hesus tulad ng mga lalawigang malapit sa Sea of Galilee, o kahit sa malalayong lugar tulad ng Jericho. Hindi mahirap isipin na ang turo ng Panginoon ay maaaring isabuhay ng lahat dahil sa karanasan niya ng iba’t ibang klaseng mga taong nakasalamuha niya sa paglalakbay.
Broaden your horizons.
Tweet
Manalangin tayo: Huwag mo sanang pahintulutan, O Panginoon, na maging makitid ang aming pag-iisip, upang sa pagiging malawak ang pananaw, magkaroon kami ng malasakit sa kapwa. Amen.
