Tiyakin na ikaw ang may kontrol sa social media, at hindi ang social media ang may hawak sa iyong buhay.

Sino ba ang lagi mong katabi? Ang iyong mahal sa buhay o ang cellphone? Marami sa atin ang adik sa social media. Naaaliw tayo sa mga posts ng ating mga fina-follow, at mas madalas, naiinggit tayo sa kanilang mga ginagawa. Nangangarap tayong maabot ang kanilang narating, kaya #SANAALL ang ating hashtag.

Ang lahat ng teknolohiya ay sadyang nilikha upang maging nakakahumaling. Nasubukan mo nang kumain ng oreos? Hindi ka nabubusog, kaya kain ka nang kain. At may mga estudyante akong hindi na maiwanan ang cellphone, parang kulang na ang kanilang buhay kung wala ang gadget.

Hindi magtatagal, mas mabibigyan pa nila ng panahon ang pagbubukas ng Twitter o Instagram kaysa ang mas mahalagang pag-aaral o pagbibigay ng quality time sa pamilya. Minsan mas kinakausap natin ang nasa cellphone, kaysa ang mga tunay na katabi sa hapag-kainan.

Oras na upang bigyan ng sarili ng panahong lumayo sa social media. Nakakatulong sa maligayang buhay ang pag-iwas na ma-addict sa social media (at sa iba pang bagay).

Ang halaga ng social media diet o digital detoxing ay ang matututunan— masanay na hindi ang teknolohiya ang kumu-kontrol sa ating buhay, kundi tayo ang may kontrol sa kanila.

Manalangin tayo: O Panginoon, bigyan niyo po kami ng biyaya ng self-control, upang kami mismo ang may responsibilidad sa gamit, at Ikaw lamang ang may hawak sa aming buhay. Amen. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s