Upang hindi tayo nabuburyong, o naririndi dahil tayo’y nag-iisa sa ating kuwarto, mainam na mag-alaga ng aso, pusa, isda, atpb, depende kung anong hayop ang iyong paborito. Adopt a pet. Halimbawa, nakakatuwang tingnan ang mga taong nag-aalaga ng aso. Ako naman, isda ang gusto kong alagaan.
Kinagigiliwan natin ang ating mga alaga. Nakakatuwa kapag tayo ay sinasalubong ng ating alagang aso; o nako-cute-an tayo sa mga isdang lumalangoy sa magkabilang dulo ng aquarium.
Wika ni Dr. Susana Newsonen, isang life coach at tagapag-akda ng “Happiness is here”:
Ang pagaalaga ng aso’t pusa o isda ay nakakatulong sa pagkakaroon ng optimism at perspektibo sa buhay. It can also lessen the symptoms of depression and anxiety. -Dr. Susana Newsonen
Tweet
Isa sa paborito kong banal ay si St. Francis of Assisi. Lagi siyang may mga hayop sa kanyang paligid. Sa panahon ng Oktubre, pinabibindisyonan ng mga may debosyon sa kanya, ang kanilang mga alaga. Ngunit ang tunay na nagiging wagi ay ang mga alagang hayop.
Manalangin tayo: Bendisyonan mo po kaming mga nag-aalagang hayop upang lalong tumindi ang aming mga hangaring alagaan ang bawat laman ng aming kapaligiran na ipinagkaloob mo sa amin. Amen.
