Mahirap ka bang humindi? Lalo na kapag kapamilya ang nangangailangan, kadalasan hindi natin natatanggihan ang kanilang mga hinihiling. Sinasabi natin na nakakahiya naman, o kaya, nakakaawa.
May mga kapamilya tayong nagtatrabaho sa ibang bansa na mabigat ang batahin dahil sinusuportahan nila ang kanilang buong pamilya’t kamag-anak. Nag-aakala ang mga kababayan natin dito sa Pilipinas na limpak-limpak ang sinusuweldo ng ating mga Overseas Workers. Meron pa ngang umoo dahil sa paki-usap ng magulang ukol sa tuition ng anak ng kaniyang kaibigan.
Dahil mahirap tayong umayaw sa hiling ng mga kung sino-sino, hindi natin nabibigyan ng panahon ang ating personal na pangangailangan. Hindi ito makasarili.
Kailangan mong alagaan ang iyong sarili, upang mabigyan ng panahon gawing ang mga nagpapasaya sa atin, tulad ng panahon para sa ating mga anak.
Tweet
Mahalin natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili, wika ng ating Panginoong Hesus.
Ibig sabihin, tama lang naman na humindi kung hindi na natin kaya, lalo na kapag makakasama na ito sa ating sariling pamilya at sa kinabukasan ng ating mga anak.
Manalangin tayo: O Diyos, bigyan mo kami ng lakas ng loob makita ang hangganan ng aming makakaya. Amen.
