A Christmas message.
Namnamin ang ngayon. Ramdam na ramdam na natin ang Kapaskuhan. Wala nang pasok. Ang mga kapamilya’t kaibigan ay magkakasama. Hinahanda na rin natin ang magiging noche buena. Malakas ang tugtog ng mga Christmas songs, at sigurado akong maingay na ang iyong mga bahay. At yung iba naman, last minute na paggo-grocery at pamamalengke. Excited at busy na tayong lahat.
Itapon natin nang pansamantala ang bumabagabag sa ating kalooban; iwasan ang masakit na nakaraan; huwag matakot sa kinabukasan.
Tweet
Ayon kay Ryan Potter, isang licensed social worker, “Regret about the past or worrying about the future, will create a negative environment for you and the people around you.” Dahil ang dumadagdag sa isang negatibong kapaligiran ay pawang wala sa ating kontrol.
Likhain natin sa kapaskuhang ito ang isang kapaligirang masaya’t mapagmahal. Ang pagnanamnam sa kasalukuyan ang diwa ng kantang, “Himig ng Pasko.”
Himig ng Pasko’y laganap;
Mayroong sigla ang lahat;
Wala ang kalungkutan;
Lugod ang kasayahan.”
Be positive at the moment. Manalangin tayo: Sa pagdiriwang namin ng iyong kaarawan, O Panginoon, nawa ang diwa ng mga anghel sa langit ang siyang maging diwa namin lahat. Amen.” Maligayang Pasko po sa inyong lahat.
