Iwasan ang Labis na Paghuhusga

Aminin natin o i-deny, lahat tayo ay humuhusga. Share ko lang ang madalas kong pagpuna sa iba lalo na sa larangan ng ideya, prinsipiyo o posisyon sa iba’t ibang isyu sa lipunan. Totoong, kailangan ang kritikal na pag-iisip lalo na sa paglutas ng problema, o pag-unawa sa isang kumplikadong proseso o sitwasyon. 

Ngunit may tinatawag tayong, “hyper-critical” —yung nasosobrahang paghuhusga. Yung dumadako sa ugaling walang nang nakikitang tama, o laging naghahanap ng butas, o pawang pagkakamali ng iba ang pinupuna. At kahit ang pagsisikap na lamang ng ibang tao ang purihin, hindi pa ito magawa.

Ayon kay life coach na si Kathy Walsh, salungat sa mapagpasalamat ang pagiging hyper-critical, at hindi ito tumutulong sa masayang buhay.

Ang Panahon ng Kapaskuhan ay isang pagkakataon upang masuyod natin ang ating buhay upang baguhin ang ugaling hindi nakakatulong sa mabungang buhay.

Ibahin natin ang ating pagiging mapaghusga, at palitan natin ito ng malasakit o compassion. Let go of judgment. Sa halip na reklamo, isipin natin ang maiaambag upang masolusyonan ang problema. Makikita mo, magiging magaan ang iyong puso’t isipan.

Manalangin tayo: Bigyan niyo po kami, Panginoon, na bagong puso’t isipan upang mas makita namin ang kabutihan sa iba. Amen. Maligayang Pasko po sa inyong lahat.


Published by Jboy Gonzales SJ

TV host: ABSCBN's Kape't Pandasal. Environment. Culture. Music. Photography. Leadership. Edgy. Eccentric. Jesuit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: