Panahon ng pagpapalalim at pagpapalago ng mga ugnayang importante sa ating buhay ang kapaskuhan. Hinihimok sa ating lahat na alalahanin ang mga matatatag na samahan na nagpapaligaya sa atin.
Importante sa ating buhay ang “sense of belongingness.” Ito ang pakiramdam na kabilang ka sa isang pamilya, barkada o kalipunan. Meron kang kasama sa kainan, laro, panonood ng sine o sa tawanan at alaskahan. Ayon sa mga pag-aaral, pinapalakas ng ating “sense of belonging” ang ating immune system.
Sa kabilang panig naman, ang kalungkutan o pakiramdam na mag-isa ka lang sa buhay ay may kaugnayan sa sakit sa puso, Type 2 diabetes, arthritis at dementia.
Sa panahon ng kapaskuhan, pagnilayan natin ang ating mga ugnayan.
Tweet
Sinusuportahan ba natin ang ating mga kapamilya’t kaibigan? Naaalala ba natin sila hindi lamang kung kailangan natin sila, kundi sa panahon na gusto lang natin silang makapiling.
Kung alam natin may masasandalan tayo sa buhay, kahit iilan lang sila, inaakyat nito ang ating morale, at tinutulungan tayo nitong bumangon kung nakasadsad na tayo sa lupa.
Manalangin tayo: O Dios, ikaw mismo ang nagsabing kami ay iyong mga kaibigan, nawa’y mapakita namin itong halimbawa sa aming kapwa. Amen.” Maligayang Pasko po sa inyong lahat.
