Gumawa ng Kabutihan sa mga Walang Kapaskuhan

Gumagawa ng kabutihan sa mga walang kapaskuhan. Maligayang Pasko po sa inyong lahat.

Ginagawa sa iilan na lamang na simbahan ang tinatawag nating, Panunuluyan, kung saan inaalala muli natin ang paghahanap ng matutuluyan nina San Jose at Mariang nalalapit na ang oras ng panganganak. Iilang mga tao ang ipinagkait ang kanilang bahay o tirahan dahil sa puno na umano ang kanilang lugar. Sa kahuliha’y isang sabsaban ang kanilang natuluyan, at doon ipinanganak ang Mesias na si Hesus.

Maraming walang matutuluyan ngayong Pasko. Maraming palaboy-laboy na mga batang nasa kalye. At marami ding mga taong, hindi makakadiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya, tulad ng mga security guards na may duty sa araw na ito. Mas malungkot sa kanila ang makita at kahit marinig ang mga nagsisiyahang pamilyang nagsasalo-salo ng noche buena. Hinihimok ko po sa araw na ito, na isali natin sila sa ating pagdiriwang.

Kapag meron tayong mga sobra sa hapag-kainan, buksan natin ang pintuan ng ating puso para sa kanila. Wika nga ni Hesus, na pinagpala ang mga taong pinapatuloy ang mga estranghero.

Pagdasal po natin ngayon ang mga migrante sa buong daigdig na naghahanap ng masisilungan na bansa laban sa panganib sa kanilang sariling bayan. Maligayang Pasko po muli at manigong bagong taon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s