May katotohanan sa kasabihang pinapalaki natin ang ating mga problema. Dahil hindi madalas tayong mabigo, sinisisi natin ang ating sarili at hindi natin binibigyan ang ating sarili ng panahon na huminga man lang, kahit pansamantala lamang.
Tulad ng mga atletang nagma-marathon, kailangan ng panahon na tumigil ng sandali at magpahinga.
Nagiging madaling harapin ang problema kapag binibigyan natin ang ating katawan at isip ng “time-off.”
Maaari mong paligiran ang iyong sarili ng mga kaibigan, magsalu-salu kasama ang mga mahal sa buhay, mag-asaran at maghalak-hakan hanggang sumakit ang tiyan. Maaari kang magpamasahe o tulad ko kapag stressed, nagpapagupit kahit maiksi pa ang aking buhok. Kung gusto mong magtanim, go, huwag ka nang papigil.
Relieving stress can actually help in coming back to a problem refresed and recharged.
Manalangin tayo: O Panginoong Hesus, ikaw mismo ay nagpahinga sa gitna ng iyong pangangaral; pumupunta kayo sa bundok upang magdasal. Nawa pahintulutan mo kaming makahanap ng panahon ng pahinga upang lumakas para sa panibagong pakikibaka sa buhay. Amen.
