Wika ni Jose Rizal, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Maaari nating unawain ito sa larangan ng ating nakaraan: ang ating mga natutunan sa buhay ang siyang tutulong sa atin sa gitna ng labis na paghihirap.
Mainam balikan ang ating mga natutunan kapag nahihirapan tayo sa buhay. Pinapalakas ng ating mga bagyo sa buhay ang ating kalooban. Karunungan at lakas-loob ay pawang resulta sa pagbabanat sa harap ng pakikibaka at pagsusumikap. Dahil sa gitna ng ating mga problema, nakasubsob tayo sa kadiliman. Kaya hindi natin makita ang ilaw.
Baka ang solusyon sa kaliwanagan ang pagbabalik-tanaw.
Suriin ang sarili kung tayo ba ay lumago at nagbago tungo sa kabutihan. Kahit papaano, umaahon ba tayo sa ating buhay? Lumiliwanag ba ang ating kinabukasan? Sa ganitong paraan, nagkakaroon tayo ng perspektibo sa buhay. Samakatuwid, makikita din natin ang ating paroroonan.
Manalangin tayo: O Diyos pinagdarasal namin ang lahat naming sugatan at minaliit, ang lahat ng nagtitiis at nakikibaka sa buhay, na magamit namin ang mga natutunan sa aming mga karanasan upang maabot namin ang pinakamalalim na hangarin sa buhay. Amen.
