Nahihirapan ka ba sa iyong buhay? Iniwanan ka ng iyong minamahal. Binalewala ng iyong asawa’t mga anak ang iyong pinaghirapan. Maysakit ang iyong mga magulang at wala kang sapat na perang pambili ng gamot.
Sari-sari ang ating mga pinagdadaanan, at habang nasa kalagitnaan tayo ng prosesong ito laging may pakiramdam tayo na wala na itong katapusan.
Nguni’t isang katotohanan na ang lahat nagbabago. Mayroon din itong hangganan.
Kahit ano pang emosyon ang bumubugbog sa ating dibdib, o gaano kahirap iwasan ang ating sitwasyon, lahat ay kayang baguhin. Everything is survivable and beatable. Mahahanapan din natin ng ibang paraan ang anumang batahin, kung itutuloy lang natin ang paghahanap ng solusyon at hindi tayo natitinag ng anumang balakid.
Just keep on trying. Just do your best. Ang buhay ay hindi nagtatapos sa Biyernes Santo, laging may Pasko ng Pagkabuhay.
Manalangin tayo: O Diyos, puspusin mo kami ng Espiritu Santo upang hindi kami mawalan ng pag-asa sa aming pangarap na pagbabago sa aming kinatatayuan sa buhay. Amen.
