Laging may first time. Bago ka sa college. Bago ka sa trabaho. O gusto mo mag-hiking at naghahanap ka ng kasama. Sa lahat ng ito, may iisang pangangailangan: paanong makipagkaibigan?
Nakakatuwang isipin ang first time ni Hesus sa kanyang public ministry. Nakisama siya sa binyag ni San Juan, kahit hindi niya kailangang binyagan. Nakaka-enganyo ang mga taong nakikibagay at nakikiisa. Simulan sa mga taong pwede mong bagayan: kaklase, kakilala, o kasama sa pananampalataya.
Ang komunidad na nabubuo sa iisang pananampalataya ang isa sa siguro mong pwedeng samahan.
Ikaw ang laging simula. Huwag hintayin ang ibang lumapit sa iyo. All doors open when you’re humble. Tinawag ng Panginoon bilang alagad ang mga hindi kataasan ang katungkulan sa lipunan, at ang iba pa nga ay kinamumuhian ng marami tulad ni Mateo na nangongolekta ng buwis. Lahat sila, nangangailangan ng aruga at pagmamahal. Ikaw muna ang magbigay.
Wika ni Dale Carnegie: “You can make more friends in two months by becoming interested in other people than you can in two years by trying to get other people interested in you.”
See how you look and sound socially, whether among friends or at work.
Manalangin tayo: “Bigyan mo kami ng pusong mapanuri sa aming sarili, Panginoon. Upang mabantayan namin ang paraan ng pakikitungo sa ibang tao. Amen.”
