Magkaroon ng Malinaw na Layunin sa Buhay

Feeling mo na nagkakalat ka? O parang ang daming ginagawa, maliban sa dapat mong gawin? Minsan nawawala tayo sa focus kung laging may urgent, may nagdidikta sa atin, o maraming maliit na bagay na nagpapabusy-busyhan sa atin. Kunwari nagmu-multi-task ka kung saang marami ngang nagagawa ngunit mabagal at mababa ang standard ng natapos na gawain.

Hindi lamang tao ang umaagaw sa ating attensiyon; halimbawa, ang social media.

Nagawa ng Panginoon ang pagtuturo sa Kaharian ng Diyos sa tatlong taong pamamalagi niya sa mundong ito. Ang lahat ng talinhaga ay may iisang mensahe ukol sa Kaharian. At ang kanyang mga gawain ang nagpapatunay nito. Napaka-focused Niya sa kanyang misyon.

Dahil kapag meron kang focus, mabilis kang magtrabaho.

Iisa lamang ang pinagkakaabalahan ng iyong pag-iisip. Mas mataas ang kalidad ng ginagawa, at mas lalo kang nagiging mapanlikha. Higit sa lahat, nakakatanggal ng stress ang pagtutok sa isang bagay lamang. Nakikita mo ang iba’t ibang trabahong hindi kailangang ikaw ang gagawa, tulad ng pwedeng ibigay sa assistant, ipagawa sa ibang tao tulad ng outsourcing, o kayang i-computer na lamang.

At dahil hindi ka stressed, mas nagiging masaya ka sa iyong buhay.

Manalangin tayo: O Diyos, tulungan mo kaming iwasan ang anumang nakakagambala upang tuloy-tuloy kaming nakatutok sa Iyong hangarin. Amen. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s