Hindi sa lahat ng oras na masaya at mapayapa ang kasalukuyan. Kadalasan, ito ay nakakainis, nakakapagod at nakakasira sa mood. Paano ba tayo makakaligtas sa ganitong sitwasyon?
Nakakatulong sa akin ang tinatawag na “healthy anticipation” na ginagawa ko araw-araw: excited ako sa lunch break, inaasam-asam ko ang darating na bakasyon, may hinihintay akong bibisita sa akin.
Maliit man o malaking gantimpala, nakakatulong ito sa pag-ahon sa anumang nararanasan na hirap sa kasalukuyan.
Isang malaking hakbang sa pagkakaroon ng pag-asa sa buhay ang may hinaharap. Kumakapit tayo sa pangako ng Panginoon na kapag gumawa tayo ng mabuti, nagmamahal tayo sa ating kapwa, at tapat tayo sa Kanyang mga salita, may aasahan tayong langit.
It is important to have something to look forward to, because it can give us the motivation and persistence to keep moving forward even during difficult times.
Kaya kung wala ang inaasam-asam, maaaring simulan mo na ang pagpaplano kung kailan ka manood ng concert, sine o TV show; saan ka pupunta sa Sabado’t Linggo; anong bagong pwedeng pagkakaabalahan. Find something to make your future look happier.
Manalangin tayo: O Diyos tulungan mo kaming gawing maliwanag araw-araw ang aming kinabukasan. Amen.