Maniwala sa ating kakayahan

Kapag may problema, ano ang nararamdaman mo? Kaya mo, o hindi mo kaya? Maraming tagumpay ang sanhi ng tinatawag nating, “Self-efficacy” o ang paniniwalang magtatagumpay tayo sa isang tanging sitwasyon, dahil may angking kakayahan tayo upang gawin nang mas magaling ang dapat gawin.

Ibig sabihin, kaya natin ang anumang hamon dahil kasama natin ang Diyos, at ibinigay ng Diyos sa atin ang abilidad para magawa iyon. 

Ayon kay Albert Badura, isang social cognitive psychologist, kapag tayo ay may paniniwala sa ating kakayahan, ang anumang problema ay isang pagkakataong upang maipakita ang ating galing.

Samakatuwid nagiging mas tapat at interesado tayo sa nakahaing gawain. Higit sa lahat, madali tayong umahon sa anumang kabiguan sa buhay. 

Paano ba nating palalaguin ang “self-efficacy”? Ipagdiwang ang ating maliliit na tagumpay, or our “little easters.”

Maari nating obserbahan ang ibang taong tulad natin o magbasa ukol sa mga magagaling sa larangan ng ating talento. Hindi ito pagkukumpara, kundi isang paraan upang matututo. Ibasura din ang anumang nagpapahina ng ating loob.

Maaari kang mag-positive self-talk. Sa harap ng salamin, sabihin sa sarili, “Kaya mo!” At sa dasal sabihin mo, “Lord, kayang-kaya ko; dahil kayang-kaya Mo! Tulungan mo ako!” Amen. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s