Ngumiti nang ngumiti

Isa sa paborito kong larawan ang “The Laughing Christ” dahil kakaiba ito sa madalas nating nakikitang imahen ng Panginoon na pasan ang krus. At hindi ba, itinuro niya ang sikreto ng kaligayahan sa kanyang “Beatitudes” na parte ng Sermon on the Mount?

Ayon sa Proverbs 15:13, “A joyful heart makes a cheerful face.” Mahirap ituro ang kaligayahan kung hindi ka maligaya; kaya, may katuturan ang “The Laughing Christ” –masaya ang Panginoon sa atin, at kapag kasama tayo! 

Nakakatulong pagiging pala-ngiti: gumaganda ang ating mood, nakakababa ng blood pressure, nakakatanggal ng stress, nagiging malakas ang ating immune system, nakakalunas ng sakit ng katawan, at nagpapalalim sa ating mga relationships.

Nahalata niyo ba na maraming kuwento ukol kay Hesus na laging nasa hapag kainan, kasama ang kanyang mga kaibigan at kakaibiganin?

Kadalasan ang masayahing tao ang siyang gusto nating kasama sa buhay. 

Ayon sa isang 2010 survey, mas matagal din ang buhay ng mga taong pala-ngiti. Kaya, ipakita ang pagmamahal ng Diyos sa ating mga ngiti.

Manalagin tayo: O Panginoon, maraming dahilan upang kami ay umasa na darating ang panahong lubos ang aming kaligayahan dahil sa iyong pangakong tatabihan mo kami habang-buhay. Nawa’y maramdaman ka namin araw-araw, at mahawa ang ibang tao sa ligayang ito. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s