Hindi bago sa panahon ngayon ang salitang, “influencers” lalung-lalo na sa social media. “Influencer” kung libo-libo ang followers, ngunit ibang usapan kung anong klase ang epekto ng “influencer” sa atin: nakakatulong ba siya sa ating pagsisikap maging mabuti, o dumadagdag lang siya sa ating galit at reklamo sa buhay?
Lahat tayo may tinatawag na “degree of influence.” At dahil dito, ang ating pananaw sa buhay ay nagbabago depende sa mga taong umi-impluwensiya sa atin. Sabi nga nila, “Tell me who your friends are, and I will tell you who you are.”
May impluwensiya ang ating kasama sa ating pananamit, pananalita, pag-uugali, pakikitungo at oo, pananampalataya sa Diyos. Naging malalim at matatag ang pananampalataya ng mga sinaunang Kristiyano dahil sa kanilang komunidad.
Faith grows in community, because the members influence and reinforce their life of faith.
Kung gusto mong lumago sa buhay, piliin ang iyong mga kasama. Palibutan ang sarili ng mga taong may paninindigan, may pinapahalagahan, may positibong impluensiya at may matatag na pananampalataya sa Diyos.
Manalangin tayo: Liwanagan mo kami, O Panginoon, sa aming pangingilatis upang gayahin lamang namin ang kumakatawan ng iyong hangarin. Amen.
