Note: I received many questions about how to live the faith practically, in a day-to-day basis. If our faith life permeates all aspects of our lives, and not just compartmentally like Sundays, then those in my social media wanted to know how to look at practices and habits in the perspective of faith. This is post #7.
Ang talinghaga ng butil ng mustasa o the Parable of the Mustard Seed ay isa sa mga paborito kong kuwento ni Hesus. Maliit at kulay itim ang butil ng mustasa, nguni’t kapag tumubo ito nagiging mataas na kahoy. Ang lapad ng naaabot ng sanga nito ay parang acacia sa atin. Sinisilungan ito ng mga manlalakbay, at nagpupugad sa mga sanga nito ang mga ibon.
May kasabihan, “Galing sa wala ang lahat ng bagay.”
Marami sa atin nangaling, halimbawa, sa isang hindi kilalang pamilya o ipinanganak sa isang maliit na lungsod, baka wala pa nga sa Google maps. Walang-wala tayong pera nung nag-aaral, at ngayon, kahit papaano may pantustos na tayo sa ating mga kailangan sa buhay. Tulad ng butil ng mustasa, hindi natin masukat maisip na maaari tayong maging mas magaling kaysa sa pagkakilala natin sa ating sarili.
We can be greater than who we thought we are.
Tulad ng sanga ng mustasa, ang pagiging dakila sa mata ng Diyos ay nasa abilidad nating tanggapin ang kapwa nang maluwag sa ating dibdib. Kahit papaano, ang pagtanggap ay isang pagtitipon at pag-aalaga. Malayo na ba ang ating narating sa pagiging mapagmahal sa kapwa? Sa pagiging bukas-loob sa mga iba ang relihiyon o iba ang sexual identity tulad ng mga kapatid nating kabilang sa LGBTQIA?
Manalangin tayo: Nawa buuin mo sa amin ang bukas na puso upang mapatuloy namin ang nangangailangan ng pag-aaruga. Amen.