Itapon ang hindi kailangan.

Note: I received many questions about how to live the faith practically, in a day-to-day basis. If our faith life permeates all aspects of our lives, and not just compartmentally like Sundays, then those in my social media wanted to know how to look at practices and habits in the perspective of faith. This is post #5.

Sabi nila OC daw ako, o obsessive-compulsive. Hindi ako nakakatrabaho kung magulo ang aking mesa, o hindi maayos ang aking kuwarto. Nililinis ko muna ang lahat, inaayos ang mga nakakalat, at pagkatapos, naglalagay ako ng pampakinang ng mesa. Sa gayon, ang ritwal na ito ang tumutulong sa paglilinaw ng aking isipan. 

Sa kabilang banda, alam nila kung ako’y balisa’t nababagabag. Minsan hindi lang ako mapakali at paikot-ikot lang ako sa aking kuwarto. Kapag may gusto akong baguhin sa aking sarili or sa sitwasyon, kadalasan hinahalungkat ko ang aking kagamitan, at ipinamimigay ko ang mga hindi ko na kailangan.

Meron akong sinusundan na prinsipyo: “When in doubt, throw (or giveaway).” Iniiwasan ko ang mag-ipon ng gamit at abubot. 

Nakakatulong ang pamamaalam sa iba’t ibang kagamitang di na kailangan. Wika nga ni Marie Kondo, “saying goodbye to them relieves us of our physical and mental stresses.” Minsan masakit mamaalam sa mga kagamitang may sentimental value, tulad ng maraming mga Christmas cards na bigay ng maraming kaibigan ko. Sa pamimigay, natututo akong makita ang importante sa hindi kailangan. At iwasan na ring mangamkam ng sobra. Nakakagaan ito ng kalooban.

Manalangin tayo: Pagaanin ang aming kalooban O Panginoon upang maging mapagbigay ang aming mga puso. Amen. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s