Note: I received many questions about how to live the faith practically, in a day-to-day basis. If our faith life permeates all aspects of our lives, and not just compartmentally like Sundays, then those in my social media wanted to know how to look at practices and habits in the perspective of faith. This is post #3.
May mungkahi po ako: Bigyan ng sampung minuto ang iyong sarili nang hindi nagmamadali. Sampung minuto sa isang araw, sa bawat araw. Sampung minuto na walang iniisip. Diyan ka lang. Mahinahon na magtimpla ng kape, at unti-unti itong tikman, habang tinatalasan ang panlasa. Namnamin at huwag higupin.
Bakit? Lagi natin sinasabi sa maraming mga tao, lalo na sa mga mahal natin sa buhay, na “wala akong panahon. Busy ako.” At totoo naman: laging nagkukulang tayo sa oras, na-iistress tayo sa trabaho dahil sa mga deadlines, hindi nawawalan ng gagawin ang ating buhay. At dahil araw-araw nating ginugugol ang sarili sa ganitong pamumuhay, nawawala tayo sa ating tunay na sarili. Parang ang halaga natin nakasalalay sa sasabihin ng iba. Malalaman po natin ito kapag naghihintay kang purihin ng iyong mga kasama sa trabaho.
Be with yourself as you are, but without haste or impatience.
Sa sampung minuto na hindi ka nagpapadala sa anumang gumagambala sa iyo, lalabas ang iyong dalisay at tunay na sarili. Time for yourself. Tamang self-care o pag-aalaga sa iyong sarili. Wika nga ni Hesus, “Mahalin mo ang kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
Kaya manalangin tayo: O Panginoong Diyos, nilikha mo kaming natatangi, nawa’y pahintulutan mo kaming maranasan ang tangi naming sarili, at ang bukod-tangi Ninyong pagmamahal sa amin. Amen.