Huwag Balat Sibuyas Sa Internet

Note: This is the 9th. According to the most recent McCann-Erickson Youth Survey of 2018, there are 10 Rules that the Filipino youth religiously follows. If you want all of them, the succeeding posts until 3 June 2019 will discuss each. All posts for this year is my contribution to the celebration of the Year of the Youth.

May tinatawag na internet anger. Ito ang galit na nagmumula sa mga nababasa at nakikita mong tweet o post sa social media na nakakangit-ngit at nakakahigh-blood. At di rin nakakapagtataka. Laganap ang fake news o ang disinformation.

Ang layunin ng lahat ng disinformation ay manlinlang.

Paano kung nadiskubre mo na ang paborito mong kandidato o celebrity o kaibigan ay sinisira ng mga troll army?

Layunin din ng mga trolls ang pagagalitin ka dahil mas importante sa kanila ang emotional impact.

Dahil dito, kailangan nating lumayo nang sandali upang pag-isipan nang mabuti kung ang nakakasiklab ng galit mo ay isang manlilinlang lamang. Kapag mayroon kang ipo-post, hindi lahat ng nakakakita noon ay sang-ayon sa iyo. Nang lumabas ang iba’t ibang video at post ukol sa buhay-Ateneo, maraming nagcomment na hindi naman taga-amin. Madali kang masaktan sa internet.

Inaanyayahan tayo ngayon na huwag magbalat-sibuyas, kundi maging mapag-isip at mapanuri.

Manalangin tayo: O Diyos ng Karunungan, pahintulutan mo kaming maniwala sa katotohanan, hindi sa peke o mapanlilang na balita. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s