Huwag sa Maraming Makakakita Punahin ang anumang Nai-post ng Isang Kaibigan.

Note: This is the 8th. According to the most recent McCann-Erickson Youth Survey of 2018, there are 10 Rules that the Filipino youth religiously follows. If you want all of them, the succeeding posts until 3 June 2019 will discuss each. All posts for this year is my contribution to the celebration of the Year of the Youth.

Anong post sa Facebook, Twitter o Instagram ang naaasiwa kang tingnan? Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko type yung mga nagpo-post ng pawang mukha nila lamang lalo na yung napupuno ng mga pisngi nila ang buong frame, at naka-beautify me filter. Nakaka-inis din ang mga paulit-ulit na photos, yung kung 4 na clicks sa camera, apat din ang naka-post na larawan. Hindi man lang pumili ng isa lang. Maari kang magcomment na may padulas na taray, o maaari kang mag-Direct Message.

Ngunit, anu pa man, mas mainam na bigyan ng sila ng puna sa tamang paraan at lalo na sa hindi pampubliko. Walang may gustong paggalitan sa harap ng maraming tao. Sa panahon ngayon, hindi lang may kaibigan ang kabataan, meron din silang audience.

Nakakaligtaan natin na wala tayong obligasyong i-follow ang sinumang nag-follow. Malaya tayong piliin ang sinumang gusto nating makita at makipagbalita. Mabilis ang daloy ng ating mga feeds, at natatakpan ng mga nakakainis na paulit-ulit ang posts ang dapat nating makita, lalo na ang mga inilalagay ng ating mga mahal sa buhay.

Isang magandang payo: “Do not flood the feed of others.”

Kahit sa social media, mainam na iniisip natin ang kapakanan ng ibang tao, dahil walang makakapalit sa respeto at kabaitan.

Manalangin tayo: O Diyos, bigyan mo kami ng biyaya ng respeto sa isa’t isa at sa mga taong nasa aming mga social media accounts. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s