May Limitasyon ang Pagpapakilala sa Social Media

Note: This is the 3rd. According to the most recent McCann-Erickson Youth Survey of 2018, there are 10 Rules that the Filipino youth religiously follows. If you want all of them, the succeeding posts until 3 June 2019 will discuss each. All posts for this year is my contribution to the celebration of the Year of the Youth.

Hindi lahat ng bagay dapat naka-post sa social media. May mga bagay mas mainam na itago na lamang sa mata ng publiko. Hindi dahil nagkukunwari ka, kundi mahalagang malinis ang iyong pangalan at ang iyong pagkatao.

Hindi kailangang i-post na nag-away kayong mag-asawa sa Facebook. O laitin ang iyong kumpanya at ang iyong boss sa trabaho. Hindi kailangang i-post ang iyong sariling hubot-hubad (yung walang ni-isang saplot) para makita ng lahat ang resulta ng iyong pag-gi-gym. O ang iyong naiisip gawin sa iyong kaaway sa eskuwelahan.

May mga bagay naman ang magandang i-post. Marami ang magla-like sa iyong bakasyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, o yung medyo may kaya, sa ibang bansa lalo na kapag kasama mo ang iyong pamilya’t kaibigan.

Isa sa mga gusto ko ang travel blog, dahil gusto kong makita natin ang kagandahan ng Pilipinas. May iba pa nga umiikot sa lahat ng probinsiya at pinapakita kung paano sila na-iinlove sa ating bansa. Dahil dito, iniiwasan na nila ang pagtapon ng basura kahit saan.

Mamahalin mo ang anumang napakaganda; samakatuwid, aalagaan mo ang binigay ng Diyos sa atin. Ito ang magandang makita ng tao, dahil nakaka-inspire ito sa kanila. Ito ang isa na bagay na bagay sa social media posts.

Manalangin tayo: O Diyos, nawa pahalagahan namin ang tungkuling maging saksi sa aming pananampalataya, kasama sa buhay namin sa social media. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s