Sabihin ang Katotohanan

6/8 Note: Ang mga sumusunod na mga artikulo ay para sa pagdiriwang ng “Year of the Youth ngayong 2019. Ito ang aking maiaambag ukol sa pag-aalaga ng mga kabataang Generation Z. Nakabase ang lahat nang ito sa McCann-Erickson Youth Survey 2018 na ibinigay sa isang panayam sa Ateneo de Manila University at sa aking personal na karanasan.

Sa buong mundo ng social o mass media, laganap ang fake news, kasama ang mga fake followers, tulad ng mga nagbebenta ng ilang libong followers sa Instagram o Twitter. Nagmumukhang mas maraming kaibigan ang isang celebrity, or kahit ng isang kaibigan mo, nguni’t ang katotohanan pala’y peke. Hindi tunay.

Kung babasahin po natin ang mga hugot, marami sa mga hashtags at nakasulat ang naghahanap na isang ugnayang totoong-totoo. At ayon sa Youth Survey ng McCann Erickson, tatlo ang pinapahalagahan ng kasulukuyang henerasyon ukol sa tunay na kaibigan: loyalty, honesty, at sincerity. Sa mga pinaglaruan lamang ang kanilang puso, hinahanap na ngayon ang katapatan at karangalan. 

The values of loyalty, honesty and sincerity are all about being authentically true. Para sa ating mga kabataan, hindi mahalaga kung masakit ang katotohanan, basta totoo. Kung sa tingin natin na maaari pa nating pagtakpan ang katotohanan, mas masakit sa kanila ang pagtatago nito. Sabi nga ng mga estudyante ko, “Ok lang na weird ka, basta totoo ka sa iyong sarili.”

Manalangin tayo lalo na sa “Year of the Youth”: O Dios ng Katotohanan, nawa’y hindi kami panghinaan ng loob sa pagpapalaki sa aming mga kabataan sa ilaw ng Iyong katotohanan. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s