Bigyan ang mga kabataan ng Pagkakataong magkaroon ng mga Mabubuting Kaibigan

4/8 Note: Ang mga sumusunod na mga artikulo ay para sa pagdiriwang ng “Year of the Youth ngayong 2019. Ito ang aking maiaambag ukol sa pag-aalaga ng mga kabataang Generation Z. Nakabase ang lahat nang ito sa McCann-Erickson Youth Survey 2018 na ibinigay sa isang panayam sa Ateneo de Manila University at sa aking personal na karanasan.

Mahalaga ang magkaroon ng mga kaibigan dahil sa suportang binibigay ng ganitong ugnayan sa atin. Ito din ang nagiging bukal ng lakas ng marami sa atin. Nakakatuwang isipin na ang Pilipinong kabataan may average na anim na bestfriends, ayon sa kasalukuyang McCann Erickson Youth Survey, kumpara sa Japan na lima lamang. Nguni’t para sa akin, mas mahalaga kung tumaas pa ang bilang nito. Siyam ang average ng lahat ng bansa sa Asia at Pacific.

Dahil dito, mahalaga sa pagpapalaki at pagpa-unlad ng ating mga kabataan ang tulungan silang matutong maging isang tunay na kaibigan at higit sa lahat, kung paano nilang mapipili ang mga kaibigang makakabuti sa kanilang pagkatao. Mas maraming sitwasyon kung saan ang mga kaibigan pa ang naituturing pamilya, kaysa sa ating mga kadugo.

Manalangin tayo: O Dios naming Hesukristo na higit na nagmamahal, ikaw na mismo ang nagsabing ang tunay na kaibigan ang siyang mag-aalay ng buhay, tulungan mo kaming matutong isabuhay ang ganitong klase na kaibigan sa aming kapwa. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s