Bigyan ng Magandang Alaala ang mga Kabataan

2/8 Note: Ang mga sumusunod na mga artikulo ay para sa pagdiriwang ng “Year of the Youth ngayong 2019. Ito ang aking maiaambag ukol sa pag-aalaga ng mga kabataang Generation Z. Nakabase ang lahat nang ito sa McCann-Erickson Youth Survey 2018 na ibinigay sa isang panayam sa Ateneo de Manila University. Ito ang pangalawa (2/8) payo ayon sa aking mga karanasan. Sana makatulong.


Kapag nagkikita-kita kaming magkakabarkada simulang grade school hanggang high school, pinag-uusapan namin ang aming mga alaala. Sari-sari ang aming binabalikan, kasama ang mga kapilyuhan at ang lahat na mga “una” —sinaunang pag-ibig at paghihiwalay. At nakakapagtataka, hindi namin lahat maalala ang mga turo sa classroom, nguni’t maalala namin kung paano kami inalagaan ng aming mga guro.

Ang masarap na balikan ay ang mga magagandang alaala’t karanasan sa pag-aaral at pagkakaibigan.

Mahalaga sa mga bata ngayon ang karanasan. Higit sa mga materyal na bagay. Ayon sa McCann Erickson Survey, 91% ng mga kabataan sa Pilipinas ang nagsabing “it’s better to live a life filled with great experiences than material possessions” kumpara sa global trend na 73% lang.

Higit sa lahat, gusto ng 60% ng mga kabataan ang samu’t saring karanasan, dahil nagiging bored sila kung iisa lamang ang kanilang ginagawa.

Tulad ng ating mga buhay noon, nakakatulong sa buhay ang magagandang alaala hanggang ngayon. Nagsisilbi ang mga karanasang ito bilang inspirasyon o gabay sa pakikibaka sa buhay.

Manalangin tayo. O Dios, basbasan Niyo po kaming nag-aalaga sa mga kabataan. Basbasan niyo rin at gabayan ang mga kabataan, upang mamuhay silang may pusong tulad ng iyong dakilang puso. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s